Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Juancho Trivino, bugbog sarado kay Andrea

BIBIGYANG-BUHAY ni Kapuso actor Juancho Trivino ang kuwento ng isang lalaking nakaranas ng pag-aabuso mula sa kanyang asawa sa fresh at brand new episode ng Magpakailanman (#MPK).

Masaya si Juancho na mabait at mapang-unawa ang asawang si kapwa Kapuso at celebrity host na si Joyce Pring.

Malayo ang karasanan niya sa kanilang pagsasama sa karanasan ng taong gaganapan niya sa real life drama anthology na #MPK.

Bibigyang-buhay kasi ni Juancho ang kuwento ni Mark, isang battered husband. “Ang pangalan ko rito ay si Mark. Ako ‘yung battered husband. Hindi ako battered husband in real life kaya medyo challenging sa ‘kin ‘yan,” pahayag ni Juancho sa Kapuso Brigade Zoomustahan na ginanap noong November 24.

Hindi rin napigilan ni Juancho na makaramdam ng awa sa kanyang karakter, lalo na at alam niyang isang totong tao ang role na gagampanan niya.

“Medyo challenging kasi siya for me dahil never akong naka-experience ng anything like this. Noong inaaral namin ‘yung script, noong inaaral namin ‘yung characters namin, awing-awa kami roon kay Mark sa totoong buhay. I really felt for him,” aniya.

Inilarawan din niya ni Juancho ang kanyang karakter bilang pinakamahirap na roles na ginampanan niya.

“’Yung character kasi is this security guard na hindi nakakapag-provide sa family niya kaya nagkakaroon sila ng conflict ng wife niya. ‘Yung wife niya, nagre-rersort to pambubugbog. Super duper heavy drama siya. Matagal kong pinaghandaan. Isa sa pinaka-challenging role na ginawa ko ever,” kuwento ni Juancho.

Makakasama ni Juancho sa episode si Andrea Torres na gaganap bilang si Arlene, ang asawa niya at si Angela Alarcon bilang kababatang  si Anna.

Abangan ang pagganap ni Juancho bilang isang battered husband sa episode na pinamagatang Mister, Bugbog Kay Misis ngayong Sabado, November 28, 8:15 p.m. sa Magpakailanman (#MPK) sa GMA.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …