Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
construction

2 laborer nahulog sa construction site sa QC, todas

PATAY ang dalawang construction workers, habang malubha ang isa pa nang mahulog habang hinihila ang isang bloke piataas sa ginagawang gusali sa La Loma, Quezon City, nitong Lunes ng umaga.

Idineklarang patay nang dumating sa ospital ang mga biktimang sina  Arnel Kapistrano Esquitado,  at  Rex Laorio Dela Rosa, kapwa nasa hustong gulang, habang inoobserbahan pa sa East Avenue Medical Center ang kasamahang sugatan na si Richard Balatukan Gregorio, pawang residente ng Bulacan.

Sa inisyal na report sa Quezon City Police District (QCPD) La Loma Police Station 1, dakong 10:30 am kahapon, 23 Nobyembre, nang maganap ang insidente sa construction site (di binanggit ang pangalan) na matatagpuan sa kanto ng Calamba St., at  Sto Domingo, Barangay Sto. Domingo, QC.

Sa pahayag ng nakasaksing kasamahan na si  Zaldy Reyes, abala sa pag-i-install ng beam ang mga biktima at habang hinihila ang isang bloke na may 12 metro ang taas ay kumabyos ang metal boom hanggang nalaglag.

Agad isinugod sa East Avenue Medical Center, ngunit idineklarang patay sina Esquitado at Dela Rosa, sanhi ng grabeng pinsala sa ulo at katawan, ayon sa attending physician na kinilalang si Dr. Manzo.

Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang insidente. (ALMAR DANGUILAN)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …