Friday , April 25 2025

VP Robredo ‘di nag-C-130 patungong Catanduanes (Panelo nakoryente)

NAKORYENTE si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa pahayag na sumakay sa C-130 plane si Vice President Leni Robredo para mamigay ng relief good sa Catanduanes kamakailan.

Mismong si Defense Secretary Delfin Lorenzana ay humingi ng paumanhin kay Robredo dahil sa maling ulat na sumakay siya ng C-130 plane ng Philippine Air Force patungong Catanduanes.

Nauna nang tinawag ni Robredo na fake news ang sinabi ni Panelo na sumakay siya kasama ng relief goods at ipinamudmod sa Catanduanes na animo’y galing sa kanya.

Paliwanag ni Lorenzana, hiniling niya sa PAF na kompirmahin sa kanilang flight manifest  ang tinukoy na flight ni Robredo at base sa ulat ng PAF, walang pagkakataon na sumakay ang Bise Presidente sa anomang military aircraft sa pagpunta ng Catanduanes.

Sa halip, nakasaad sa flight manifest, na lumipad ang Huey helicopter lulan ang relief goods mula sa opisina ni Robredo sa Legazpi City, Albay papunta sa Catanduanes noong 3 Nobyembre. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *