NAGMISTULANG walang bilang sa pambansang antas ng pamahalaan ang mga kawani at opisyal ng Bureau of Customs (BoC) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ang pakiramdam ng mga mga taga-BoC-NAIA dahil hanggang ngayon, wala silang natatanggap na hazard pay at/o overtime pay mula pa noong enhanced community quarantine (ECQ) hanggang ngayong nasa general community quarantine (GCQ) na ang antas ng pandemya.
Para bang ang mga taga-BoC-NAIA ay hindi kabilang sa frontliners na kung tutuusin ay first line of defense dahil sila ay isa sa mga ahensiyang nakapronta sa paliparan.
Sa totoo lang sila ang mga unang napuputukan kapag may nakalulusot na lumalabag sa health protocol ngayong panahon ng pandemya.
At sila rin ang posibleng madaling mahawa kung may mga pasaherong ‘carrier’ ng coronavirus o CoVid-19. Pero mukhang ‘taken for granted’ lang ang mga taga-BoC-NAIA sa Department of Budget and Management (DBM) dahil hanggang ngayon ay wala pa rin silang natatanggap kahit isang kusing para sa hazard pay at overtime pay.
Ang tanong nga ng mga taga-BoC-NAIA, “Kasama ba kami sa listahan ng frontliners na dapat paglaanan ng hazard at overtime pay ng DBM o ‘nganga’ lang kami kahit hanggang ngayon ay may pandemya pa rin?”
Wazz up DBM?!