NAPAPANAHON ang two-part anniversary special ng Born to be Wild na magsisimula ngayong Linggo (Nov. 22). Ibabahagi kasi ng hosts ng award-winning environmental and wildlife program na sina Doc Ferds Recio at Doc Nielsen Donato kung paano nakukuha ng tao ang mga sakit mula sa hayop.
Sa gitna ng kinakaharap nating pandemya, mahalagang malaman natin kung ano-ano ba ang mga bagay na ginagawa natin na nagiging daan pala upang maipasa ng mga hayop sa tao ang iba’t ibang sakit—kasama na siyempre ang ilegal na panghuhuli sa mga endangered na hayop.
Isa ang Born to be Wild sa mga TV show na talagang kapupulutan ng aral. Malaking bagay na ang mga host nito ay practicing veterinarians at wildlife advocates. Alam nating talagang may authority sila pagdating sa usaping wildlife preservation.
Rated R
ni Rommel Gonzales