Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jasmine, personal na nag-abot ng tulong sa mga biktima ng bagyo

ISA ang  Descendants of the Sun PH actress na si Jasmine Curtis-Smith sa mga miyembro ng Aktor PH na personal na nag-abot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses sa Marikina at Rizal.

Bukod kay Jasmine, personal na dumalo rin sa kanilang relief operation sa Marikina noong Nobyembre 13 ang DOTS Ph co-star niya at tagapagtaguyod ng Aktor PH na si Dingdong Dantes at Magkaagaw actress Sunshine Dizon.

Umaasa naman ang aktres na makatutulong ang kanilang napaabot na relief goods. “We hope that what small help we can give will be able to assist you the next couple of days and we pray for those who are still trying to manage with what’s left of their homes.”

Maliban sa Marikina, bumisita rin si Jasmine kasama ang mga miyembro ng Aktor PH sa San Mateo, Rizal para sa isa pa nilang relief operation. Kasalukuyan din silang lumilikom ng pondo at relief goods para naman sa mga nasalanta ni Ulysses sa Cagayan.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …