Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ynna, aminadong ‘di 1st choice para sa Ang Daigdig Ko’y Ikaw

PATULOY na aariba sa kanilang mga bagong programa ang Net25.

At itong Nobyembre, natapos na ang kauna-unahang teleseryeng ihahatid nila sa mga manonood sa pamamagitan ng Ang Daigdig Ko’y Ikaw.

Isa kami sa natuwa para sa isa sa mga supling nina Nadia Montenegro at Boy Asistio, na si Ynna.

Nagkuwentuhan kami ni Ynna. At sinagot din niya ang ilang tanong na inihain ko sa kanya.

Kung ano ba ang naging unang reaksiyon niya nang ipagkaloob sa kanya ang role ng bidang si Reina.

Hindi po ako ‘yung unang napili for this role hehe! 

“Marami pong nauna and when I first got a call siyempre po super excited ako but sanay din kasi na ako sa mga ganyan na biglang hindi sa ‘yo mapupunta ‘yung project. True enough masasabi po sa akin na may nakuha na so ok lang po sa akin. 

After a few days nag-back-out po ‘yung napili then sabi mag-standby ako. It took about 2-3 weeks before Tito Anjo (Yllana) finally called again to say that I got the role! 

And sa totoo lang po, yes I was happy about it but it wasn’t sinking in and andoon ako sa part na as long as nagte-taping na ako or nagru-run na kami at saka ko lang masasabi na sa akin na talaga ito.

“’Yung pinaka-sink-in po sa akin was when I watched the rough trailer. Doon nag-sink-in na shocks! Eto na un!!!  its finally happening! 

“After 14 years being in the showbiz industry LEAD ROLE NA AKOOOO sobrang saya tita! 

Nag-go see po ako then they asked to change my hair, then another go see then contract signing! Super bilis ng pangyayari, hahaha 🙂 

’Pag si God na kumilos lahat aayos. I really prayed for this and I even told Tito Anjo na, ‘Tito if this is for me its for me, lets just pray about it’ and here I am now another answered prayer!🏻”

Nagkaroon na ba ng pagkakataong nagkasama na sila ng leading man niyang si Geoff Eigenmann sa ibang proyekto?

yes sa ‘Party Pilipinas’ and GMA. Casual hi hello always hahaha.”

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …