Saturday , November 16 2024

QCPD-DMFB chief kulong sa 3 kilong ‘chicken drumsticks’ 

ISANG opisyal ng Quezon City Police District (QCPD) ang nakalaboso matapos tumanggap ng suhol na tatlong kilong  ‘fresh chicken drumsticks’ mula sa grupo ng  motorcycle riders na pinayagang makalampas sa quarantine control point kahit walang naipakitang mga dokumento nitong Lunes ng umaga.

 

Si P/Lt. Rodrigo San Pedro Olaso, 43, nakatalaga sa District Mobile Force Battalion (DMFB) ng QCPD, at naninirahan sa Balatung-B, Pulilan, Bulacan, ay inaresto ng kanyang mga nagreklamong tauhan na sina P/MSgt. Roberto Telan, Jr., P/Cpl. Alexis Licyayo, P/Cpl. John Paul Rebustes, at P/Cpl. Jericho Bautista.

 

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), ang insidente ay naganap dakong 8:15 am, nitog Lunes, 2 Nobyembre, sa Batasan – San. Mateo Road, Barangay Batasan, QC.

 

Sa imbestigasyon ni P/SMSgt. Marvin Masangkay, nagsasagawa ng Quarantine Control Point (QCP) ang mga operatiba ng QCPD-DMFB sa pamumuno ni P/Lt. Olaso nang harangin ng mga tauhan nito ang grupo ng motorcycle riders at hinanapan ng mga dokumneto gaya ng  deed of sale ng kanilang mga sasakyan.

 

Bagamat walang naipakita ang grupo ay pinayagan umano ni Olaso na dumaan sa QCP pero makalipas lamang ang ilang minuto, dalawa sa riders ang bumalik at may dalang plastic bag na naglalaman ng tatlong kilo ng chicken drumstick at sinabing para ito sa mga nakabantay na pulis.

 

Pero tumanggi ang mga nagreklamong sina P/MSgt. Telan, Jr., police corporals Licyayo, Rebustes, at Bautista, at inutusan ang riders na ibigay ito sa  humiling na si P/Lt. Olaso na agad namang tinanggap.

 

Agad na inireport ng mga operatiba ng DMFB-QCPD ang ginawang pagtanggap ni Olaso ng suhol na drumstick mula sa mga riders kaya agad na inaresto ang opisyal ng kaniyang mismong mga tauhan.

 

Inihahanda na ang kasong ‘indirect bribery’ laban sa nasabing opisyal ng QCPD. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *