SA iba’t ibang lungsod sa mundo, nagsasagawa ang mga tao ng malikhaing pamamaraan upang makayanan ang epekto ng mga coronavirus quarantine at kabilang sa mga aktibidad na ginagawa ay balcony singing, workout at iba pang mga gawain para maibsan ang stress at agam-agam.
At sa halos pagkawala ng professional sports, pinasok ng mga atleta ang virtual training para mapanatili ang kanilang kalusugan habang ang iba nama’y lumalahok sa mga online tournament para patalasin ang kanilang galing.
Gayon din ang mga grandmaster sa chess na ngayo’y ibinabahagi ang kanilang husay sa isa sa pinakamatandang laro sa daigdig.
Isang hapon, nanood ang libo-libong non-combatant sa sidelines habang inatasan ng kanilang heneral ang kanyang puwersa para sumalakay at napalaban sa matinding pakikihamok sa kanilang kalaban.
Sa isang punto, pinaalalahanan ni grandmaster Hikaru Nakamura ng Japan ang kanyang sarili sanhi ng isang pagkakamali na naging dahilan ng kanyang muntikang pagkatalo.
Ngunit napangiti rin siya nang magapi ang katunggali.
“I can’t lose,” ani Nakamura, 32, na may 528,000 followers sa online chess.
“I win again—there you go, guys. Wow,” aniya kasunod ng pagsuko ng kalaban.
Isa lang ito sa mga kaganapan sa daigdig ng online chess.
At para mai-promote ang laro bilang bagong hari ng pandemya, pangungunahan ng Asia’s first grandmaster Eugene Torre at national women’s team coach GM Jayson Gonzales ang libreng online chess lessons ng Far Eastern University simula 24 Oktubre.
Ang mga leksiyon, na magkakaroon ng pang-umaga at panghapong sesyon sa pamamagitan ng Zoom, ay bukas para sa mga kabataang edad 11 hanggang 17 anyos. Ito ay nilunsad ni FEU chairman Aurelio Montinola III at athletics director Mark Molina.
Kabilang sina Torre at Gonzales, coach din ng FEU chess team, sa pamosong chess players na magsasanay at tutulong sa mga kalahok para maganda ang kanilang laro.
“Helping the development of chess among young people especially the low income or less fortunate families is the main objective and mission of the program,” ani Gonzales sa panayam.
Kasama rin si Janelle Mae Frayna, isang FEU alumna at kauna-unahan at natatanging Woman GM ng bansa, sa mga trainer na kabibilangan din nina international masters Paulo Bersamina at Jerad Docena at Woman FIDE master Michelle Yaon.
Kinalap ni Tracy Cabrera