Wednesday , December 25 2024
Parañaque

Parañaque patuloy sa pagbaba ng aktibong kaso

TULOY-TULOY na ang pagbaba ng aktibong kaso ng coronavirus disease o CoVid-19 sa lungsod ng Parañaque base sa mga researcher mula sa University of the Philippines (UP) na sumusubaybay sa pandemya.

Kamakalawa naitala ng OCTA Research Team mula sa Paranaque ang 199 active cases katumbas tatlong porsiyento.

Hindi rin kasali ang Parañaque sa mga tinukoy na high-risk areas sa CoVid-19 sa Metro Manila.

“For six straight weeks, OCTA research group has observed a significant decline in the average new daily CoVid-19 cases in the city,” ani Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.

Mula sa 766 active cases noong 1 Setyembre, ang mga kaso ay bumaba sa 199 sa linggong ito o 567 mga pasyente ang umuwi matapos nilang makita na negatibo sa kinakatakutang sakit.

Isa rin sa may pinakamababang ranggo sa daily attack rate ang Parañaque sa Metro Manila.

Ang mga natukoy ng OCTA Research Team bilang top high risk areas ang Makati, Baguio, Mandaluyong, at Lucena dahil sa pagtaas ng average new cases kada araw at critical care occupancy  na 69% pataas.

Batay sa pinakahuling ulat, ang Makati ang nanguna sa listahan na may 59 CoVid-19 cases  sa bawat araw at 10% attack rate mula 11-17 Oktubre, na naglagay sa critical care occupancy sa 79%  nitong 16 Okubre.

Nabatid na ang safe level ng  attack rate ay 7%.

Sa Metro Manila cities na may mataas na new cases ay Quezon City, Maynila, Pasig, Taguig, at Caloocan, habang ang high-risk areas dahil sa high case load at high attack rate kabilang ang Pasig, Makati, Pasay, Mandaluyong, Marikina, at Valenzuela.

Sa ulat ng Parañaque Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) nitong 20 Okubre, may kabuuang 6,548 ang confirmed cases, ang recoveries ay nasa 6,184 (94.4%),  at deaths ay nasa 165 (2.5%).

Unang pinuri ni Secretary Carlito Galvez, CoVid-19 chief implementer, ang Parañaque bilang “model city” dahil sa agresibo at sistematikong pagtugon nito sa paglaban sa pagkalat ng nakamamatay na sakit. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *