Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Thea, sa mga basher — tao rin kami na may pakiramdam

ANG mga artista ay paborito ng mga basher, kaya tinanong namin si Thea Tolentino kung ano ang ginagawa niya kapag may namba-bash sa kanya.

“Hindi rin naman talaga magandang tingnan na sumasagot kami pero hindi rin naman tama ang thinking ng karamihan na porke ‘artista’ kami ay we don’t have the right to speak o ipahayag ang mga reaksiyon namin. 

“Freedom of speech nga, ‘di ba? Karamihan sa amin siyempre kontrolado pa namin ang mga emotion namin kaya hindi kami sumasagot at alam namin na wala namang patutunguhan. 

“Minsan lang talaga, kailangan nang sumagot eh. Baka nakakalimutan nila, hindi lang kami ‘artista’, tao rin kami na kung ano ang nararamdaman nila, nararamdaman din namin.”

Dati ay sumasagot si Thea sa bashers.

“Pero I’ve learned my lesson na huwag na lang kasi nagkaka-tension headache ako kasi nakikita ko kung paano mag-isip ‘yung iba. 

“’Yun bang basta lang makapag-post sa social media na wala naman kalaman-laman talaga ang mga sinasabi.

“Ang masasabi ko lang, masyado silang concerned sa buhay namin na mga bina-bash nila na ‘pag wala kami, wala silang buhay o makabuluhang ginagawa sa buhay nila. 

“Nakakalungkot,” pahayag pa ni Thea.

Samantala, tunghayan ang totoong kuwento tungkol sa pag-ibig na hindi magpapatalo sa panghuhusga.

Tampok sina Thea at Jeric Gonzales sa Sign Language Of Love episode ng  Magpakailanman, sa Sabado, 8:15 p.m. pagkatapos ng The Clash sa GMA.

Abangan si Jeric bilang si Alex, isang estudyanteng may kapansanan na mai-in love sa teacher niya na si Beth, na gagampanan naman ni Thea.

Ngayong Sabado na sa Magpakailanman at gamitin ang hashtag na #MPKSignLanguageOfLove.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …