Monday , May 5 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

LTO registration ‘no sticker’ na naman?

‘NO available sticker for 20.’

        Ito ang naka-stamp pad sa kopya ng resibong ibibigay ng Land Transportation Office (LTO) kapag nagpa-renew ng inyong car registration.

        Sa resibo, malinaw na nakalista na ang bayad sa sticker ay P 50. Barya lang. Pero tanungin naman natin kung ilan ang sasakyan na nagpaparehistro taon-taon at kung magkano ag nalilikom ng LTO para riyan sa sticker?!

         Noong 2018, iniulat ng LTO na 11,595,434 ang bilang ng mga sasakyang nagparehistro sa kanila. Kung imu-multiply sa P50 ‘yan, lalabas na P579,771,700 ang kabuuang halaga na nalikom nila para lamang sa ‘sticker’ na hindi nila maibigay.

        ‘Yang halaga pong nabanggit sa itaas ay higit na sa kalahating bilyong piso.

        Kahit nga P100 milyon lang, malaking halaga na kaya nakapagtataka kung bakit hindi makapag-isyu ng resibo ang LTO?!

        Saan napunta ang halos P.6 bilyong koleksiyon para sa sticker ng mga sasakyan na inirerehistro sa LTO?!

        LTO chief, Assistant Secretary Edgar Galvante Sir, ano po ba ang nangyayari sa mga sticker ng mga sasakyan?!

        ‘Yung iba nga lumipas ang 2019 hindi nakakuha ng sticker, ngayon matatapos na ang 2020, ganoon pa rin ang nakatatak sa resibo, “no available sticker.”

        Wattafak!

        Hindi kaya alam ni ASec. Galvante na malaking abala para sa mga motorista kapag walang sticker?!

        Siyempre kapag walang sticker, sisitahin ng traffic enforcers, ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at ng Highway Patrol Group (HPG).

        Kung hindi ‘no available plate’ e ‘no available sticker.’

        Kaya ba talaga ni ASec. Galvante ang trabaho niya bilang hepe ng LTO?!

        Noong nasa Dangerous Drug Board (DDB) pa siya, wala rin tayong maalalang significant accomplishments si Gen. Galvante.

        Talaga naman…

        Mukhang applicable sa kanila ang kasabihang: “Iba na ang masuwerte sa magaling!”

        At ‘yan daw po si ASec. Galvante. Masuwerte dahil malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte.

        ‘E ‘yun naman pala, ang tanong po ulit, ‘e kung kaibigan o malapit kayo kay Pangulong Digong bakit hinahayaan ninyong nababahiran ang administrasyon dahil sa hindi natin maintindihang ‘inefficiency’ ng ahensiyang inyong pinamumunuan?!

        Kung talagang may malasakit kayo sa Presidente, aba’y bumitaw na kung hindi ninyo kayang gampanan ang inyong mga tungkulin.

        Kung hindi na kasi kayo nakatutulong at sa halip ay nakapeprehuwisyo pa, aba, mas mainam sigurong magbalot-balot na.

        Ano sa palagay ninyo, ASec. Galvante?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

         

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit pipi ang PDP sa isyu ng West Philippine Sea?

AKSYON AGADni Almar Danguilan BUKOD sa trabaho, food security, at kalusugan, isang pangunahing election issue …

Sipat Mat Vicencio

Nelson Ty kay Isko: Yes, let’s make Manila great again!
“TAGUMPAY NI ISKO, PANALO NG MAYNILA!”

SIPATni Mat Vicencio ITO ang pahayag ni dating Barangay Chairman Nelson Ty, tumatakbong konsehal ng …

Firing Line Robert Roque

Makaka-jackpot ba uli ang mga Pineda?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. TULAD ng nangyari na sa Pasig City, pinatunayan ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Imee, Camille, laglag sa endorsement ni Digong

AKSYON AGADni Almar Danguilan TABLADO kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sina senatorial candidates Senator Imee …

Firing Line Robert Roque

Tara, PNP, pustahan tayo!

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAHIRAP paniwalaan ang patuloy na paninindigan ng Philippine National …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *