Saturday , November 23 2024

Kuya Germs legacy, itutuloy ni Federico via Supershpw App

ETO na nga!

 

Dumating na ang pagkakataon para ipagpatuloy ni Federico Moreno ang isang napakagandang legacy ng kanyang ama, ang Master Showman at Starbuilder na si Kuya Germs (German Moreno).

 

Noong 2019 nabuo ang konsepto ng Supershow App.

 

Nabuo ang proyekto nang may magtanong kay Freddie kung may kakilala siyang wedding singer. Wala siyang maisip at maibigay na talent batay sa demand na availability at budget.

 

Kaya nabuo nila ang konsepto. Na magkaroon ng sistema para sa paghahanap ng mga talent sa events. At dahil namulat siya sa entertainment industry, alam niyang mapakikinabangan niya ang alam niya rito.

 

Kaya, research is the operative word. Nagsaliksik si Freddie sa sari-saring trabaho ng mga tao mula sa iba’t ibang sector–mula sa mga payaso, madyikero na hinahanap sa children’s parties, event hosts, singers, commercial models, banda at iba pa.

 

Naniniwala si Freddie na sa pamamagitan ng Supershow App na kanyang ilulunsad, mapadadali na ang paghahanap at pagbu-book sa mga talent na kakailanganin ng bawat event.

 

Isang click lang lalabas na ang lahat ng talentadong hinahanap at kailangan mo.

 

Ang Chairman Emeritus ng Potato Corner na si Jose “Jomag” Magsaysay, Jr. ang mentor at kasama ni Freddie sa nasabing proyekto.

 

Gifted individuals ang tingin nina Freddie at Jomag sa nasabing mga talento na ipagmamalaki nilang ibahagi sa mga magnanais na mapanood sila sa bawat event.

 

Nasa likod din ng proyekto ang Alkalde ng Maynila na si Isko Moreno, na hindi naman kaila na produkto ng That’s Entertainment ng ama ni Freddie na si Kuya Germs. Sumusuporta si Mayor Isko sa lahat ng gagawin ng Supershow App sa paghanap sa nasabing mga talento.

 

Ang magiging prioridad nina Freddie ay ang mga tinamaan ng pandemya at tutulungan nilang mayakap ang “new normal”.

 

Sa Oktubre 4, 2020 ay kaaarawan ng Master Showman. At bilang paggunita sa espesyal na araw na ito, nagsimula ng maghanap ng mga talent na magiging bahagi ng kanilang team ang Supershow App.

 

Thirty seconds to one-minute material lang ang kailangan nilang ipasa na ipamamalas ang angkin nilang talento. Ipadala sa http://www.supershow.app.

 

At pangako nina Freddie at kanyang team na by November 25, 2020, handa ng tumanggap ng booking ang mga talent ng Supershow App.

 

Masaya na naman ang industriya sa isa pa lang sa sinisimulang gawin ni Freddie. Sa pagpapatuloy ng sinimulan ng kanhang dakilang amang mahal na mahal ng industriya!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

 

About Pilar Mateo

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *