Monday , July 28 2025

Gina Pareno, tinalo ang mga bagets sa pagti-Tiktok

KUNG ipinatitigil na ng Pangulo ng Amerika ang TikTok sa bansa nila, rito sa atin, patuloy sa pag-e-enjoy ang netizens sa walang humpay na mga ginagawa nila sa kanilang mga stream.

 

At hindi nakaligtas diyan ang tinawag na nga naming Reyna ng TikTok dahil sa kanyang edad, talaga namang palaban ang aktres na si Gina Pareño. Na binansagang Lola Gets dahil sa naging papel niya sa FPJs Ang Probinsyano.

 

“Ang pamangkin kong si Josh at ang anak kong si Racquel ang talagang nag-push sa akin para gawin ito. Wala nga akong kamuwang-muwang. Basta noong May, nasa pandemya na tayo, marami na gumagawa ng TikTok na ‘yan, eh ipinasubok sa akin na gawin ko.

 

“Subok naman ako. Sila nagdi-direk. Pati sa isusuot ko, inihanda na lahat. Aba, Mahal, akalain mo, naka-one million views kami. Hindi ako makapaniwala. Kaya, noong ma sumunod na ganado na ang Lola mo!”

 

May dahilan nga para mas enjoy-in na lang ni Mama Gina o Lola Gets ang TikTok. Dahil nang lumaganap na ang pandemya at kinailangan na nga ang paghihigpit sa mga paglabas-labas ng mga tahanan, talagang hindi na umaalis ng bahay nila ang aktres.

 

Kailan nga lang, may isang offer na dumating sa kanila ng anak niyang si Racquel para sa isang proyekto.

 

Alam naman natin na sa paggawa ng pelikula ngayon o pagsalang sa taping, may protocols ng sinusunod. Para sa kalusugan at pag-iingat ng lahat, muli kang maka-quarantine kapag ila-lockdown na kayo sa ibang lugar o location ng trabaho.

 

“Naka-ilang buwam na ba tayo, Mahal? Kalahating taon na tayong lumalaban. Na ang dasal natin eh, magkaroon na ng lunas o bakuna man lang. Sa pakiwari ko naman, maaaring matuklasan na ang bakuna para riyan. 

 

“Kaya sabi ko sa anak ko, huwag na muna naming tanggapin. Takot ako, Mahal. Mientras nag-iingat ako, baka naman sa paglabas kong ito pa ako tamaan. Kaya maghihintay na lang kapag pwedeng-pwede na talaga.

 

“Alam mo ba, Mahal, ang nakatutulong sa aming pamilya ngayon eh, ang pagkatuklas ni Racquel sa kaalaman niya sa pagluluto. Ayun nag-o-online selling na siya. Ang daming orders. Natigil sandali noong sumakit ang paa dahil sa gout. Nag-worry kasi, ilang orders ang ‘di magagawa.

 

“Sa pandemyang ito, naaalala ko lagi ang Tita Bong Eraña mo! Kasi, noon pa man sinasabihan na niya ako, bago siya nawala na dapat laging may naitatabi na emergency fund. Mabuti na lang may mga paupahan ako sa Tagaytay na nakatutulong din sa aming kailangang tustusan sa araw-araw. Kaya nakararaos pa naman, salamat sa Panginoon.”

 

Kahit nga ang ilang paanyaya sa kanya sa ibang bansa ay hindi niya matanguan. Dahil kabado siya na makipag-sapalaran.

 

Pero isa sa mga araw na ito, malamang na may magandang balitang umabot kay Mama Gina. Na may kinalaman sa pagiging Reyna niya ng TikTok!

 

At sa bawat araw na ginugugol lang niya sa apat na sulok ng kanyang silid, masaya na si Lola Gets na magpasaya ng milyon niyang taga-subaybay sa TikTok!

 

At aabangan talaga natin ‘yan!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Kylie Verzosa villa Italy

Kylie Verzosa bumili ng villa sa Italy

MATABILni John Fontanilla BONGGA ang aktres at dating Miss International, Kylie Verzosa dahil nakabili ito ng mamahaling villa …

Mika Salamanca Will Ashley soup kitchen

Will at Mika kasamang namahagi ng pagkain sa QC at Marikina

I-FLEXni Jun Nardo TUMULONG ang ilang Kapuso stars sa pamamahagi ng pagkain sa kasagsagan ng bagyong Crising. …

Maine Mendoza Miles Ocampo

Miles at Maine kapwa present sa Eat Bulaga! hiwalay nga lang ng segment 

I-FLEXni Jun Nardo TULOY ang dalawang noontime shows kahapon, Huwebes, na live kahit na nga …

Alice Dixson

Alice bagets pa rin ang hitsura kahit 56 na  

MATABILni John Fontanilla SA edad 56, maraming netizens ang namamangha sa mala-bagets na hitsura ng …

Cecille Bravo Humanitarian Award Johnny Litton

Philanthropist-Celebrity Businesswoman Cecille Bravo ginawaran ng Humanitarian Award sa 3rd Johnny Litton

MATABILni John Fontanilla NAPA-WOW ang lahat sa ganda ng kasuotan at headress ng Philanthropist at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *