Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
President Rodrigo Roa Duterte talks with Senator Gregorio Honasan and other members of Reform the Armed Forces Movement (RAM) during a meeting in Malacañan Palace on August 16, 2017. REY BANIQUET/PRESIDENTIAL PHOTO

Honasan umamin kakayahan ng DICT vs ‘cyber spying’ kapos

INAMIN ni Department of Information and Communications Technology (DICT) chief Gregorio Honasan na kulang ang kakayahan ng ahensiya laban sa ‘cyber spying.’

Ginawa ni Honasan ang pahayag sa budget hearing ng ahensiya sa Kamara na sinabi niyang masusing pinag-aralan ng kanyang grupo ang panukalang pagtatayo ng mga tower sa military camps ng Dito Telecommunity, ang third telco sa bansa.

Layon ng Dito na magtayo ng cell sites sa military camps, na lumagda ng kasunduan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang bahagi ng rollout plan ng kompanya.

Ang nasabing hakbang ay umani ng batikos mula sa iba’t ibang grupo dahil ang minority shareholder ng Dito, ang China Telecom, ay isang Chinese state-owned enterprise.

Ang China ay matagal nang kaalitan ng Filipinas sa West Philippine Sea. Nagbabala rin ang United States sa banta sa seguridad ng mga Chinese-made equipment at infrastructure.

Bagama’t sinabi ni Honasan na masusi nilang pinag-aralan ang hakbangin ng Dito sa Camp Aguinaldo, inamin niya na limitado lamang ang kakayahan ng DICT laban sa ‘cyber spying.’

“We are limited to monitoring. In fact, there are entities that we consider friends, but we found out that they are trying to intrude in our network,” wika ni Honasan sa House hearing.

“I really cannot blame them, we have always been reactive toward these things. What we have to do is to be proactive.”

Hindi niya tahasang tinukoy kung sino ang mga ‘kaibigan’ na ito, ngunit sinabing ang mga entities ay may kinalaman sa power transmission business.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …

Amok na pasabero sugatan sa boga ng nagrespondeng airport police

BIINARIL ng mga pulis ang isang 54-anyos guwardiya nang manlaban sa inspeksiyon at tinangkang saksakin …

MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO 6 pulis sa robbery holdup

Sa pagkakasangkot ng 6 pulis sa robbery/holdup
MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO

ni Niño Aclan SINIBAK sa puwesto ang chief of police (COP) ng Manila Police District …