Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Stab saksak dead

25-anyos todas sa saksak

NAPATAY sa saksak ang 25-anyos lalaki habang sugatan ang kaniyang kaibigan makaraan magkaalitan ang grupo, sa Lower Bicutan, Taguig City, nitong Linggo.

 

Kinilala ni Taguig City Police Chief P/ Col.Celso Rodriguez ang biktimang namatay na si Jefrey Victoria, ng 25D 13th Street, Purok 6B, Lower Bicutan, Taguig na idineklarang dead on arrival sa Taguig-Pateros District Hospital.

 

Ginagamot sa nasabi rin ospital ang biktimang si Aries Monteclaro, 23, empleyado ng J&T Express, taga-3920, Road 3, Purok 6B Lower Bicutan, Taguig City.

 

Nahuli sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis ng mga suspek na sina Ilma Joy Villaflores, (babae), 28, ng 24 Ipil-Ipil St., Lower Bicutan; Michael Magayon, 25, construction site inspector, ng No. 2920 Patricio St., Lower Bicutan; at John Maurence Agbayani, 21, ng 15 Ipil-Ipil St., Lower Bicutan, sa Taguig City.

 

Sa naantalang ulat ng Taguig Police Station, naganap ang insidente sa tapat ng bahay ng suspek na si Villaflores sa 24 Ipil-Ipil St., Lower Bicutan, Taguig City.

 

Nabatid sa imbestigasyon, unang nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mga suspek at biktima hanggang pagtulungang bugbugin ang dalawang biktima.

 

Sa gitna ng kaguluhan naglabas ng patalim si alyas Jhon-jhon saka inundayan ng saksak sa dibdib si Victoria at Monteclaro na nasaksak sa likod.

 

Nadala ng mga kaanak sa pagamutan ang dalawa pero minalas na tuluyang bumigay si Victoria.

 

Kahapon, 14 Setyembre, ng umaga nahuli ang mga suspek sa follow-up operation ng mga tauhan ng Taguig Sub-station 10 at Barangay Security Force ng Lower Bicutan Taguig City. (JAJA GARCIA)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …