Saturday , November 16 2024

Wanted 50K contact tracers — DILG

SISIMULAN ngayong Martes  ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang recruitment, hiring, at pagsasanay ng hindi bababa sa 50,000 contact tracers sa buong bansa upang mapalakas ang programs kasunod ng paglagda ng Pangulo sa “Bayanihan to Recover as One Act” o Bayanihan 2 Law.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang karagdagang 50,000 contact tracers ay game-changer sa CoVid -response ng bansa dahil mapipigilan ang paglaganap ng sakit at mapupuksa ang virus kalaunan.

“Malugod naming tinatanggap ang paglagda ng Bayanihan Law 2 sapagkat nangangahulugan ito na maaari na nating simulan ang proseso ng recruitment ng mga karagdagang contact tracers na agarang kailangan ng iba’t ibang local government units (LGUs) sa buong bansa. Muli, pinasasalamatan namin ang Pangulo at Kongreso sa paglalaan ng kinakailangang pondo para sa CoVid response,” aniya.

“Naghahanap ang DILG ng mga dedikado at makabayang indibidwal na nais makilahok sa laban kontra COVID-19. Kung nais mong aktibong makibahagi sa pagpuksa sa pandemya, sumali sa DILG Contact Tracing Teams,” ani Año.

Dagdag ng kalihim, ang 50,000 contact tracer na kukunin ay itatalaga sa iba’t ibang Contact Tracing Teams (CTT) ng LGUs.

Ang contact tracers ay tatanggap ng minimum na sahod na P18,784 bawat buwan bilang contract of service personnel.

Kabilang sa mga responsibilidad ng contact tracers ang magsagawa ng mga panayam, profiling, at pagsasagawa ng initial public health risk assessment ng CoVid-19 cases at kanilang identified close contacts; iendoso ang mga close contacts sa mga isolation facilities; magsagawa ng enhanced contact tracing sa pakikipagtulungan ng iba pang mga ahensiya at pribadong sektor; magsagawa ng pang-araw-araw na pagsubaybay sa close and general contacts na hindi bababa sa 14 araw, at isagawa ang iba pang mga gawain na may kaugnayan sa CoVid response.

Sa kasalukuyan, ang Contact Tracing Teams ay mga pinagsamang yunit na pinamumunuan ng mga Municipal/City Health Officers na may mga kasapi mula sa Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTS), at volunteers mula sa mga Civil Society Organizations (CSOs).  (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *