NAGDIWANG noong September 3, ng ika-18 kaarawan si Kyline Alcantara. Bagama’t hindi natuloy ang sana’y engrandeng selebrasyon ng debut niya, hindi ito naging hadlang para sa mga taong malapit kay Kyline na sorpresahin ang dalaga sa kanyang special day.
Nagkaroon ng surprise “quarantined party” ang aktres na inorganisa ng mga kaibigan at pamilya niya sa industriya. Buong akala ni Kyline ay may meeting lamang siya para sa isang shampoo endorsement pero ikinagulat niya ang naghihintay sa kanya sa venue.
Grateful ang aktres sa lahat ng mga nakaalala sa birthday niya at sa mga bumati na fans at fellow celebrities. Sa Instagram post ni Kyline, pinasalamatan niya ang mga nagmamahal sa kanya, “Swinging to adulthood now. I’ve been told that it’s not gonna be an easy ride. But with you people to guide me, I know that I’m gonna be just fine. Thank you all for your sweet greetings. I feel all your love. Sending my virtual hugs and kisses to all of you.”
Happy birthday, Kyline! Stay sweet and cute!
RATED R
ni Rommel Gonzales