Saturday , November 16 2024

Duque inabsuwelto ni Duterte (Ebidensiya ng Senado vs Duque bubusisiin ni Duterte)

HINDI pa man nasasampahan ng kaso sa alinmang hukuman ay inabsuwelto na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque III sa isyu ng korupsiyon sa Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth).

Ang pahayag ng Pangulo ay kasunod ng rekomendasyon ng Senate Committee of the Whole na sampahan ng kasong kriminal si Duque at iba pang opisyal ng PhilHealth kaugnay sa multi-bilyong pisong anomalya sa ahensiya.

Inirekomenda rin ng Senado sa Pangulo na sibakin si Duque.

“Secretary Duque, this is not the time for you to resign. I have heard stories about, you’re going to resign. I have full trust in you. Ang akin lang naman diyan ‘yung corruption.”

“There’s an investigation going on, let it be, if you’re not guilty of corruption…ang kalaban ko lang ho ‘yung corruption,” sabi ng Pangulo sa kanyang public address kagabi.

Iniulat kagabi sa Pangulo ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi pa tapos ang imbestigasyon kay Duque ng binuong task force para siyasatin ang mga anomalya sa PhilHealth. (ROSE NOVENARIO)

Ebidensiya ng Senado vs Duque bubusisiin ni Duterte

KOMPIYANSA ang Palasyo sa taglay na ‘professional competence’ ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mabubusisi nang husto ang mga ebidensiyang nakalap ng Senado sa inilunsad na imbestigasyon sa multi-bilyong anomalya sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Tugon ito ni Presidential Spokesman Harry Roque sa pahayag ni Senate President Vicente Sotto III na magbabago ang isip ni Pangulong Duterte sa patuloy na pagtitiwala kay Health Secretary Francisco Duque III kapag nabasa ang report ng Senado kaugnay sa imbestigasyon sa katiwalian sa PhilHealth.

“All I can say is rest assured na mayroon pong professional competence ang ating Presidente to evaluate the evidence for himself,” sabi ni Roque sa virtual press briefing kahapon.

Abogado aniya si Pangulong Duterte at naging piskal pa kaya alam ang rules of evidence.

Kasama sa rekomendasyon ng Senate Committee of the Whole ang pagsibak at pagsasampa ng kasong kriminal kay Duque bunsod ng umano’y partisipasyon sa malawakang korupsiyon sa PhilHealth. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *