Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gardo, trending ang paghi-heels

KINAGIGILIWAN ngayon ng mga manonood ang pang-umagang programang sinasalangan tuwing 10:00 a.m. nina Pokwang, Pauleen Luna, at Ria Atayde sa Cignal TV5, ang #ChikaBesh.

Mula nang ilunsad ito kamakailan, tinutukan na ang mga bagong pakulo ng tatlong dilag na magkakaiba ang personalidad pero nag-swak sa kakaibang ikot ng sistema sa paghahanapbuhay sa panahon ng pandemya.

Marami ang natutuklasan nila sa mga nagiging panauhin nila kada umaga.

At  nang isalang nila ang mag-asawang Gardo Versoza at Ivy Vicencio, napuno ng magagandang reaksiyon ang mga manonood.

Kasi nga, talagang nagsuot na ng heels ang aktor na si Gardo para maipamalas sa madla ang nagte-trending na TikTok grooves nilang mag-asawa sa social media.

May nagtatanong na nga kay Gardo ng, “Are you gay?” dahil sa naka-heels na siya kapag sumasayaw silang mag-asawa.

Ang punto ng aktor, sa panahon ngayon, kailangan ding mag-reinvent ang gaya niyang minsan ng nailagay sa mga kahon ng pagiging sexy star at action star, bukod sa drama at comedy din.

Kung nakilala man nga siya sa mga ganoong genre ng roles na ginagawa na niya sa pelikula, sa pagkakataong ito eh binabali naman niya ang nakasanayan na ng mga taong nakikita sa kanya.

Ito rin ang isang dahilan o sikreto kung bakit magkasundong-magkasundo sila ng misis niya kahit pa magkaiba ang personalidad nila.

Sa ilang larawang naipakita sa programa, may larawan nga na nagpo-pole dancing pa sila.

Hindi lang mahilig sa pagsasayaw si Gardo, noon pa mang araw ay isa na itong mahusay na dancer nang magsimulang sumabak sa showbiz.

Golden Boy na rin siya at sa pagtuntong niya sa edad na 50, nagdesisyon nang lumagay na sa tahimik sa piling ni Ivy sa isang simpleng pagtataling-puso sa Pampanga na simpleng t-shirt at pantalon lang ang suot nila.

Kompiyansa sa sarili ang mayroon si Gardo. Na minsan ding iniluklok ng mga tagahanga niya sa pagiging isa sa pinaka-seksing aktor sa pelikula.

Bagay na magkaroon ng show ang mag-asawa, ha!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …