ISA pang babaeng patuloy na lumaban sa kanyang kinasadlakan ay ang kinasihan na ng magandang pagkakataon at sitwasyon sa buhay na si Deniece Cornejo.
Matapos ang dumilim na kabanata sa buhay niya, pinilit nitong ibangon ang sarili at nag-focus sa mga positibong bagay na makatutulong sa ikot ng kanyang buhay.
Nabalita kamakailan na may magandang bunga ang isang kaso sa kanyang buhay.
Simple lang ang reaksiyon nito nang tanungin namin tungkol dito. Acquitted of perjury.
“After almost 7 years of waiting and fighting. I feel that everything I have been fighting for is worth the wait. sobra papasalamat ko sa lahat ng sumusupporta. I feel vindicated.”
Hindi na namin kailangan pang banggitin ang puno’t dulo ng naging dahilan para sa mga kasong kinasangkutan ng dalaga.
Maituturing na empowered woman, patuloy si Deniece sa pag-angat ng sarili sa mga bagay na gjnagawa niya ngayon sa buhay.
May sarili na rin itong pitak at nagsusulat para ihayag ang kanyang boses pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa kanyang pagiging babae na may kabuluhan sa lipunan.
At may hatid din siya para makatulong sa kalusugan ng lahat.
“My own brand.
“For the past few months I have been working on and researching with the alternative medicine that can help us stay healthy and active. Im proud to announce my contribution in this pandemic that defining global health crisis of our time and the greatest challenge we have faced since then. I have chosen to be productive in my own way. study day and night to identify powerful vitamin that packed full of bioactive compounds such as anthocyanins, flavanols, ellagic acid, ellagitannins and carotenoids that will protect a lot of us.
“Lastly, Thank God for His supernatural divine intervention guidance. The concept is inspired from the Garden of Eden. ♥️”
Demi-C!
HARD TALK!
ni Pilar Mateo