Thursday , June 4 2026
SUMALUDO at nag-alay ng bulaklak sa puntod ng mga hindi kilalang sundalo na lumaban at nagtanggol sa bayan noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pangdaigdig si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. General Gilbert Gapay bilang kinatawan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City kahapon ng umaga. (ERIC JAYSON DREW)

AFP nagbigay pugay sa “Unknown Heroes”

NAGBIGAY ng full military honor at 21-gun salute ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Army (PA), at Philippine Navy (PN) sa mga yumaong sundalo.

 

Dumating si AFP Chief of Staff. Lt. General Gilbert Gapay sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.

 

Bandang 8:00 am, pinangunahan ni General Gapay bilang kinatawan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggunita sa National Heroes Day sa bansa na may temang “Tunay na Kabayanihan sa Paglaban at Pagbangon” bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga sundalong nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng bansa.

 

Kasama ang mga opisyal ng National Historical Commission (NHC) at Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) sa pag-aalay ng bulaklak sa puntod ng “Unknown Soldiers” sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City.

 

Bilang pag-iingat sa CoVid-19 walang dumating na mga opisyal ng pamahalaan, mga beteranong sundalo at mga estudyanteng nakagawiang makilahok sa paggunita ng National Heroes Day nitong 31 Agosto. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …