Sunday , April 27 2025

P700-M sa SAP ‘inagaw’ sa 87,500 pamilyang dukha ng FSPs

AABOT sa P700 milyon ang suwabeng kikitain ng financial service providers (FSPs) na kinontrata ng administrasyong Duterte para mamahagi ng ikalawang yugto ng ayudang pinansiyal para sa 14 milyong pamilya sa ilalim ng Special Amelioration Program (SAP).

Ang P700 milyon kabuuang matatapyas sa SAP na mapupunta sa FSP ay mula sa P50 kaltas sa bawat P8,000 ayuda sa isang pamilya.

“Puwede pa sanang pakinabangan ang P700 milyon ng 87,500 dukhang pamilya na maaari pang matulungan sa panahon ng pandemya,” ayon sa isang political observer.

Batay sa pahayag ng Palasyo noong 20 Agosto 2020, ang FSPs na kinontrata ng gobyerno ay GCash, Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC), Robinsons Bank, PayMaya, Starpay, at Unionbank upang mapabilis ang pamamahagi ng ayuda sa mga maralitang pamilya.

“Well, alam naman po ng DSWD na lahat po ng pumili na makuha iyong kanilang ayuda sa pamamagitan po ng cash out ay kinakailangan magbayad ng P50,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque sa televised briefing noong nakaraang Huwebes.

“Ang aking concern lang po, dapat magbigay din ng resibo ang (mga) FSPs (na ito) para naman ma-record iyong income nila at makapagbayad sila nang tamang buwis. So alam po iyong P50 pero dapat po may resibo para masiguradong magbayad naman ang FSPs ng buwis,” dagdag niya.

Hanggang noong 17 Agosto 2020 ay iniulat ng DSWD na may P76.2 bilyon na ang naibigay sa 12.7 milyong mahihirap na pamilya at ito’y katumbas ng 90.4 porsiyento ng target na 14.1 milyong recipients ng second tranche ng SAP.

Ang mga lugar na sakop ng SAP 2 ay Central Luzon maliban sa Aurora province, National Capital Region, Calabarzon, Benguet, Pangasinan, Iloilo, Cebu province, Bacolod City, Davao City, Albay province at Zamboanga City, ayon sa DSWD.

Kaugnay nito, inihayag kahapon ni Roque na hindi dapat mag-unahan ang SAP 2 beneficiaries sa pagkuha ng ayuda dahil hindi naman mawawala ito.

Ang pahayag ni Roque ay tugon sa hinaing ng mga taga-Davao City na 2:00 am pa lang ay nakapila na sa FSPs dahil limitado ang bilang ng binibigyan ng SAP2 sa loob ng isang araw.

“Humihingi po kami ng abiso kung nagkaroon po ng inconvenience doon sa mahahabang pila. Pero I can assure you po na nakipag-coordinate naman po ang DSWD  doon sa ating FSPs [Financial Service Providers] at saka kino-communicate naman po natin sa ating recipients na hindi naman kinakailangan mag-unahan para kunin iyong kanilang (mga) pera sa mga FSPs at hindi naman po mawawala iyon at pupuwede rin gamitin para pambili ng iba’t ibang mga bagay.

Sa susunod po, now that we have used sa FSPs, mas mabilis na po ang pamimigay ng ayuda kung mayroon man,” aniya. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *