KAPATID ko siya, eh. Kaya ‘di puwedeng ipagwalang-bahala ang pang-iisa ng mga tao sa maayos na negosyong sinimulan niya sa panahon ng pandemya.
Litanya ang reklamo ni Janus (del Prado) sa supplier niya ng ginagamit niyang sangkap para sa ibinebentang cheesecakes online.
“May mga tao po talaga na sila na po mali, ikaw pa po papaguiltihin at gagawing masama.
“Anyway, ang storya po ay umorder ako ng worth 6,299 na cream cheese for business. Sira po lahat. Buo buo na madaming tubig. At ang masaklap pa po nyan, sa halip po na maki empatize si seller. Pinagtawanan, inasar at sinisi pa po ako.
“Ako po na nawalan ng puhunan. At di lang yan, nagmalaki pa po na ibabalik daw pera ko pero nung sinend ko na info ko para ibalik nya po yung puhunan. Na block na po ako. Haha. Iba ka ate.
“Ikaw na po yung nanlamang, ikaw pa po yung galit, nagyayabang at nagmamalake. Anyway, good luck po sa business. And sa mga bibili po sa kanya, buyer beware po ang motto ni ate. Pag sira po yung produktong nabili niyo, ay kasalanan niyo po yun at di kayo nagresearch. @bakeoclock13 Shop Link: shopee.ph/ruth19940621 bahala na po si lord sa inyo tutal mahilig niyo naman po ipangasar yang “God bless po”.
“PS: pag nagbigay po kayo ng bad review, RANT po ang tawag niya dun at di nya po ito tanggap.
“PS ulit: wag po kayo magalala. Tinapon ko po yung sirang creamcheese at di ko po ginamit sa cheesecake. Kaya din po nagkadelaydelay ang pag restock kasi kailangan ko po magorder ulit. May bago na po ako supplier na matino at may malasakit.🏻”
To the rescue naman ang nga kaibigan at kakilala ni Janus sa FB. kaya kumalat ang nasabing reklamo sa nagbenta sa kanya ng sirang cream cheese.
Hindi siguro na-take ang bashers kaya umaksiyon naman ito.
At sa bagong mensahe ni Janus, marami sa mga kakilala nating sellers online ang may matututuhan sa naging karanasan niya.
“Napilitan na po ibalik ni bakeoclock13 shopee.ph/ruth19940621 yung puhunan ko na P6,299 dahil po sa tulong niyo na mga kapwa ko bakers and sellers na lumalaban ng patas.
“Maraming salamat po. You made this happen.🏻
“Now, gusto po ni seller na itake down ko daw po yung post ko, pero i wont po.
“I think people should know what they are getting into po kapag nakikipagtransact po sila online.
“Kaya nga din po may mga reviews and ratings po tayo. She said she learned her lesson and will not do it again and i believe in second chances.
“But having said that, i also believe in earning peoples trust and in integrity. Di po ako mayaman and di rin po tama na sabihin niyo po na “di ko po kasi alam na artista kayo”.🤦🏻♂️
“Kahit Artista po ako o hindi, no one deserves to be treated that way by anyone, anywhere, anytime. Sa halip po na maglamangan tayo. Magtulungan na lang po tayo na iangat ang kabuhayan po ng isat isa lalo na at may krisis tayong pinagdadaanan sa buong mundo ngayon. Maraming salamat po ulit sa mga tumulong at nagmalasakit. I am forever grateful. 🏻 (sabay suot ng bb pilinas sash at tanggap ng flowers at crown)
“PS: May representative po Emborg na gusto ako padalan ng products. Wag na po. Naibalik na po yung puhunan. Just to clarify lang po. Di po ito fault ng Emborg. This was caused by the mishandling of the seller of their product. Thank you po for reaching out.🏻🇵🇭“
Marami tayong matututuhan sa pangyayaring ito. Suportahan sa panahon ng pandemya at paka-iwasan ang makapang-isa!
Marami ang nagsabi na masarap ang cheesecake na ‘yun. Hindi pa natin natitikman my editor, huh! (‘Yun na nga, saan na ba ‘yan at makabili—ED)
HARD TALK!
ni Pilar Mateo