NANG dumating ang hindi nakikitang kaaway, naging pang-araw-araw na eksena na sa buhay ni Edu Manzano ang maging frontliner sa sarili niyang paraan.
Kaya ang mga pa-ayuda niya eh, hindi lang sa palibot ng kinaroroonan niya sa San Juan umikot. Nakarating pa ito sa kung saan-saang bayan gaya ng Batangas.
Marami na ring pinasukang negosyo noon si Edu. Sa kanya nga yata ito namana ng anak na si Luis na sige rin sa pagbubukas ng mga negosyong kinabibilangan.
Kasama ang kanyang matatalik na kaibigan, napagdesisyonan nina Edu, Paulo at Miguel Guico (ng Ben and Ben) at ni Pato Gregorio na bumili ng prangkisa ng JT’s Manukan ni Joel Torre.
Sabi nga ni Edu, “This time, I will be very hands on with the new business. Hindi tulad sa mga dati kong restos. Masaya naman kasi on soft-opening pa lang kami at 115 Kalayaan Avenue, sa Quezon City, for take out pa lang, marami ng orders. Kaya call us lang at 09614633252 or 09166770389. Samahan niyo kami as a family.”
Kapag may oras din, sumisige si Edu sa pagharap sa kanyang #GoodViveswithEdu show sa Metro.Com Channel.
Masayang tsikahan o kuwentuhan ang nagaganap sa bawat encounter sa mga kasama niya sa industriya. At may mga segment na nga na inire-replay dahil inire-request ng mga manonood.
“I know, nabibitin sila dahil 30 minutes lang ang show. But I think, ‘yun ang nakapagpapasaya kasi, hindi ko alam kung ano ang mga mangyayari at lalabas sa pakikipagkuwentuhan ko sa kanila.”
Hindi kakalawangin sa acting skills niya si Edu. Magiging bahagi siya ng isang proyekto na makakasama sina Aljur Abrenica at Claudine Barretto na tungkol sa sinapit ng SAF 44.
Pero, hindi pa naman siya ipinatatawag to shoot.
HARD TALK!
ni Pilar Mateo