Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim Chiu, sobrang nalungkot sa pagtatapos ng Love Thy Woman

AMINADO ang Star Magic at Kapamilya talent na si Kim Chiu na nang mag-pack up na ang set nila sa huling lockdown taping ng Love Thy Woman, masakit ang loob nilang lahat at maraming alaala siyang hindi makalilimutan.

 

At sa mga pangyayaring kinaharap niya na ang isang negatibong sitwasyon eh, nagawa pa niyang maging positibo, nagpapasalamat na lang ang dalaga sa kinahinatnan nito.

 

“Ngayon, dahil sobra akong matakaw, I decided to spend my 2 hours everyday doing my workouts habang tutok ako sa panonood ng K-Drama na, ‘It’s Okay To Not Be Okay.’ Kaya, ayaw ko mag-diet. So, hula hoops, jumoing rope, biking. Para sa endorphins ko. Masakit din kasi sa dibdib kung papansinin ang mga nega. Wala naman tayo magagawa.

 

“We are thankful na nag-number one sa iWant ang ‘Love Thy Woman.’ Ginawa naming masaya ang Lockdown taping. Kinailangan mag-adjust. Naka-independent. Kasi, para kang nasa ibang bansa. Isa lang ang PA na kasama ko. Lahag mamj nakasakay sa isang van. Dati, kanya-kanya kami sasakyan. ‘Yung damit na hagamitin namin, dinadala na lang and sanitized siya. After taping, sama-sama sa dinner. Dati, isang kama kaming mga girls, parang nasa dorm. Ngayon, mono blocks na lang. 

 

“Nung malaman namun ang sad fate of ABS-CBN, nasa taping kami. Lahat kami tahimik. Wala’ng usap-usap. Tunganga na lang. Tapos, may nagsabi, may taping pa tayo! 

 

“And now, abangan na nila ang mga susunod na mga eksena namin sa ‘Love Thy Woman.’ One and a half years journey. Nung pumasok ang 2020, ang saya ko kasi puno ng gagawin. Endorsement. TV. Movie. Buong January ‘yun. Then, naiba na. Kaya Happy New Year sa 2021 na. 

 

“Iba-iba ang feelings. Parang krayola. ‘Yung 8 colors ng crayons. From the brightest to the darkest.  Kung may ma-imbento na vaccine, the first thing I would do eh, yakapin ang lahat ng mahal ko, i-beso-beso. ‘Yung mga ‘di kayang gawin now. Picture-picture na sobra’ng lapit ng cheeks niyo sa isa’t isa. Now, am just picking myself up. Just sharing good vibes sa mga tao.”

 

For sure, ang mga dumilim na kulay sa ilang parte ng buhay ni Kim ngayon ay napupunuan ng mga magagandang kulay naman sa paintings na ginagawa ni Xian Lim para sa kanya ngayong Quarantine!

 

Hindi sila lumalabas. Bawal!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …