“KINAKAUSAP ko ang mga cakes ko!”
Nasabi ‘yan ng Star Magic Kapamilya na si Nikki Valdez sa isang interbyu sa kanya.
Sa panahon nga ng pandemya na ang tahanan lang nila ng kanyang mister at anak na si Olivia ang naiikutan niya, mas madalas siyang namamalagi sa kanyang kusina.
Pero ang anak niyang si Olivia eh, hindi mahilig magluto kundi mag-request sa kanya noon pa man na mag-bake o gumawa ng mga creation na maise-share naman sa kanyang school.
“Proud naman siya sa mga bine-bake ko. Maski ini-involve ko siya, ayaw niya. Pero may times na nagbebenta siya. Roon ko naman naituturo kay Oy na you have to work hard for it. If she wants something. ‘Yun ang bayad ko. That experience is the best teacher. Na hindi pwede na just because she wants something eh, she can have it na.”
Sino ang gusto niyang ipag-bake sa panahong ito?
“Marami. All ABS-CBN employees celebrating their birthdays. Especially, ang handler ko. ‘Yung mga tao sa Star Magic who worked hard for us. Kung pwede ko nga lang i-provide ang lahat. Nasa-sad pa rin ako. Minsan para akong baliw. Tawa ng tawa. Next moment for o reason, naiiyak ako bigla.
“Kaya I talk to my daughter about it. Sabi ko sa kanya to have more patience with Mama. And Dada na nagtatrabaho rin sa ABS. It’s not that I don’t have time for you to take care of you. There’s a fight we’re into.
“Hindi madali ang parenting. Walang handbook for that. Hindi rin madali mag-adjust sa generation now. Naaalala ko my Mom’s words to me. Mga turo niya. Until you have your own, you will never understand me. Kaya, just go with your heart.”
Palaban si Nikki pagdating sa pagtatanggol sa kanyang itinuturing na “tahanan.” Sa ngayon, maituturing siyang isa ring empowered woman na ang lakas ay hindi nasa labas. Kundi nasa loob ng puso niya sa katatagan-para sa asawa, anak at sa lahat ng Kapamilya!
HARD TALK!
ni Pilar Mateo