Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, magkakaroon na rin ng YouTube channel

IKINUWENTO ni Alden Richards ang posibilidad na magkaroon na rin siya ng sariling YouTube channel sa mga susunod na buwan kung magpapatuloy pa rin ang ‘new normal’ sa mundo ng showbiz.

 

“Right now, we’re transitioning into the new normal. So, we have to be open to new opportunities for work and continue to be in touch with the supporters and fans na nandiyan,” paliwanag ng Centerstage host.

 

Posibleng laman ng kanyang YouTube channel ang live streaming ng kanyang online games na napapanood na rin sa official Facebook page ng Kapuso actor. Bata pa lang  siya ay mahilig na si Alden sa iba’t ibang games.

 

“Ever since, I was a gamer. Gamer na kami ng kuya ko so, iba eh. Parang it’s a different world. Games are games. Kahit ano pa ang composition ng laro.”

 

Nagpaalala naman si Alden sa mga gamer na kagaya niya na importanteng balansehin ang paglalaro ng online games at personal life.

 

Samantala, tuwing Linggo ng hapon ay napapanood si Alden sa All-Out Sundays: The Stay Home Party at simula ngayong Lunes, August 10, ay magbabalik-telebisyon ang pinagbidahan niyang GMA series na  One True Love, 4:15p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …