Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sino si Pewee sa Pasay City?

KAPANGALAN ni dating mayor ng Pasay (SLN) ang damuhong si Pewee, alyas lang ito ng isang taga-Barangay 39 ng lungsod ng Pasay. Si Pewee ay caretaker lamang ng ilang paupahan sa nasabing barangay na pinamumunuan ni Kapitana Eva Recasio.

Ayon  sa aking mga bubwit, itong si alyas Pewee ay utak ng paglalagay ng jumper sa nasabing barangay, bawat tenant ay nagbabayad sa kanya ng P500. Sa gabi ikinakabit ang jumper ng koryente, na karamihan sa mga tenants ay gumagamit ng aircon. Matagal nang raket ito ni alyas Peewe na ‘di ko batid kung ito ay kinokonsinti ni Kapitana o may ilang kasabwat sa tanggapan ng Meralco sa lungsod ng Pasay. Labis kasing nakapagtataka kung bakit patuloy ang operasyon ni Pewee at bulag ang barangay pati ang Meralco.

Patunay lamang ito ng pagnanakaw ng koryente habang ang sambayanan ay naghihirap sa pagbabayad ng kanilang electric bill. Higit na nakapagtataka ay bakit bulag at bingi ang mga namumuno at opisyales ng Barangay 39 samantala ang ating bubwit ay naamoy ang nasabing pagnanakaw ng koryente?

Kapitana Eva Recasio, ngayon mo patunayan na wala kang alam dito! Ang impormasyon kong ito ay bagay na dapat aksiyonan dahil baka mas malalang problema gaya ng sunog ang maging resulta. Bukas ang pahayagang ito Kapitana Recasio para sa iyong panig, gusto mo bang ituro ko pa sa iyo kung saan ikinakabit? Pero trabaho n’yo ‘yan. Pasama ka sa taga-Meralco total sinabi ko na kung sino ang utak!

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …