Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cameron Diaz nag-debut sa TikTok sa Wine Drinking Challenge

Kinalap ni Tracy Cabrera                     

NAG-DEBUT sa TikTok app si Hollywood actress Cameron Diaz sa kakaibang  wine drinking challenge.

Minarkahan ni Diaz ang kanyang online debut sa pamamagitan ng isang video na makikita ang aktres ng pelikulang Shrek na umiinom mula sa isang baso ng kanyang organic wine brand na Avaline, na kanyang inilunsad nitong unang bahagi ng taong kasalukuyan kasama ang kanyang partner na si Katherine Power, na makikita din sa video clip.

Sa nasabing video, nakaupong patalikod si Katherine kay Cameron, hawak ang wine glass sa kanyang bibig, sa pagsandal niya sa kanyang kaibigang aktres, aabutin naman ni Cameron ang baso para uminom dito ng alak na nilalaman ng baso.

“Made my first TikTok ya’ll (sic),” caption ni Cameron sa kanyang post para imbitahan ang kanyang mga fans na makibahagi sa popular na #WineChallenge: “Who’s up next?!?!”

Nangahas ang Hollywood star na pasukin ang daigdig ng TikTok ilang buwan lang makaraang isilang ang kanyang supling na si Raddix sa kanyang mister na si Benji Madden nitong nakaraang Disyembre.

Kamakailan ay nagpasalamat si Cameron sa mga tinamasang biyaya sa kanyang pamilya sa gitna ng patuloy na pandemia ng coronavirus.

“Before, my baby was an excuse to stay home. Now I don’t have to make that excuse,” kanyang pagbibiro nang mag-guest sa Late Night with Seth Meyers.

“The best part of having to stay within our little bubble with this COVID situation is that her dad, my husband Benji, he gets to be home,” aniya.

“We’re just having a lot of gratitude for that and yeah, it’s pretty wild,” dagdag ng aktres.

 

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …