DUMEPENSA ang dating senador Jinggoy Estrada kay Vice Ganda nang hingan siya ng komento sa nakaraang zoom interview niya sa tila pagkadesmaya ng isang premyadong writer-director na official entry sa 2020 Metro Manil Film Festival ang Praybeyt Benjamin 3 ni Vice.
“That’s uncalled for,” saad ni Jinggoy.
Dagdag niya, “Ang festival ay para sa mga bata. Eh may record naman si Vice sa festival na malakas ang entry niya.
“Eh may choice naman ang tao kung anong movie ang panonoorin kaya kung gusto nila ‘yung movie ni Vice eh wala naman tayong magagawa.”
Bago ang lockdown, kabilang ang movie ng dating senador na Coming Home para sa First Summer Movie Festival. Hindi ito natuloy pero may chance itong mapanood sa December moviefest.
Wala pang plano si Jinngoy pagdating sa politika. Pero may kumakalat na tsismis sa ilang residente sa Manila na kakalabanin niya bilang mayor ang incumbent na si Yorme Isko Moreno.
“Hindi ako botante sa Manila. Wala akong balak,” deklara niya.
Eh sa San Juan na rati niyang pinamunuan?
“Naku, parang president ng Pilipinas ang mayor doon na kapag lumalabas eh ang daming police escorts!” sagot ni Sen. Jinggoy.
Basta pagdating sa movies, eh, gagawa ang dating senador basta may magandang kuwento siyang magugustuhan!
I-FLEX
ni Jun Nardo