Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Monsour, handa na para sa kanyang MMA at TKD online

KAPAG nasanay ka talaga sa maaksiyong buhay, ‘yung never kang idle at galaw ka ng galaw at laging may ginagawa, parusa talaga ang lockdown para patahimikin lang ang buhay mo sa bahay.

Alam natin na ang dating action star na si Monsour del Rosario ay nabuhay din sa pagiging isang atleta. Sa mundo ng martial arts, lalo na. Na minsan ding kinawayan ng politika.

Sa pangungumusta ko sa kanya, excited nitong ibinalita sa akin na tinawagan ng APT ang kanyang ALV Management dahil sasalang siya sa #BawalJudgmental ng #EatBulaga.

Pero nang sumunod na araw, sinabi ni Mon na irere-sked ang taping niya dahil nagbago muna ng kategorya at hindi pa mabuo ang kategorya para sa guesting niya.

Ano na ang pinagkakaabalahan ngayon ni Mon?

“I practiced my boxing punches in my Bob Man during then lockdown. Once in a while, nasa greens to play golf. At dahil nami-miss ko my Yamaha rides, ayun I try to do my jumps in my bike.”

Katatapos lang niyang ipagdiwang ang 57th kaarawan. And still fighting. Very fit!

“I started working na on my online TaeKwonDo class. To earn some money. And take me out of my boredom while there is still CoVid-19. In September, I will launch the website for MMA (Mixed Martial Arts) and TKD (TaeKwonDo).We are just waiting for the official trailer.”

Basta pagdating sa ganitong mga bagay, si Mon talaga ang maaalala mo!

Champion Fighter! At hindi rin natutulog at nag-aabot ng pagdamay sa mga nangangailangan.

Kaya abangan his online class!

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …