HINDI pinatulan ni Sam Milby ang ipinaabot na message sa kanya ni Clint Bondad, na dating boyfriend ni Catriona Gray na sinasabing girlfriend naman niya ngayon, nang sila ay mag-chat. Inalok pa ni Clint si Sam na maging isa sa kanyang mga “client.”
Ang sinasabi naman pinagkaka-abalahan ngayon ni Clint ay isang home fitness program.
Naging usap-usapan ng mga tao sa social media ang offer ni Clint, ngayon nga ay tila isa na ring yoga guru dahil sinasabing pina-practice rin niya iyon. Mahaba na rin ang kanyang buhok at balbas na malayo sa nakasanayan nating hitsura niya na clean cut at pogi.
HATAWAN
ni Ed de Leon
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com