Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Folk singer na si Queen Rosas, pakakasal na sa kanyang Mr. Right na ex ng Kapuso actress

Sa murang gulang ay isa nang professional singer si Queen Rosas na nakapag-perform sa bansang Korea, Japan, China, at Hong Kong. Tumira siya nang matagal sa bansang Amerika at pag-uwi sa Filipinas ay inalok na maging bokalista ng isang banda na maraming venue na tinutugtugan.

 

Nakasama na rin ni Queen ang ilang mga kilalang singers tulad ni kaka Freddie Aguilar, na pinuri ang husay niya at style sa pagkanta ng mga folk song na forte rin ng beteranong singer. Yes agree kami kay Kaka Freddie dahil ilang beses na naming napanood mag-perform nang live si Queen kaya favorite siya ng crowd at marami ang humahanga sa bawat performance niya.

 

Bukod sa pagiging singer, ay nasa field of television na rin si Queen na host ng sarili niyang show na “Mundo ng Aking Musika,” na napapanood sa Euro TV tuwing Biyernes mula 2:00 pm hanggang 3:00 pm.

Samantala nang aming maka-chat ang singer-TV host na aming longtime friend, ay natanong namin siya tungkol sa kanyang lovelife? Very happy raw siya at natagpuan na niya ang kanyang si Mr. Right sa katauhan ni Fernando Udtujan na taga-Tacloban at ex raw ng sikat na Kapuso actress na may initials na SC.

Dagdag ni Queen mahusay raw ang kanyang fiancé sa finger push up at sa lakas raw nito ay kayang magbuhat ng isang sasakyan.

Sa katunayan ay kasama na ang pangalan ni Fernando sa mahabang listahan ng mga popular na tao sa Guinness Book of World Records.

Kinilig kami nang sabihin sa amin ni Queen na pag-uwi raw ng bansa ni Fernando ay magpapakasal na sila at gagawa ng pelikula na kanilang pagsasamahan.

Well, good luck to both of you Queen.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …