Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rosanna Roces, tuloy na sa shooting ng Viva Films (Talent sa pagluluto ginawang negosyo)

KAHIT saan mo yata dalhin si Rosanna Roces ay mabubuhay. Yes ‘yung talent niya sa pagluluto

ng iba’t ibang putahe na in all fairness ay class ang pagkakaluto ng mahusay na actress ay ginawa na niyang negosyo.

Ayaw raw kasi ni Osang na walang ginagawa at nabo-bore siya.

Sa ngayon kasi ay nag-aantay ng call slip para sa shooting ng movie sa Viva si Osang kasama sina Alma Moreno, Katya Santos, Maui Taylor, at baguhang babae na ilulunsad sa pelikulang ito na “The Next Philippine Pornstar” na ididirek ng baguhang blockbuster director na si Darryl Yap.

Si Darryl ang may gawa ng mega successful launching movie ni Kim Molina na “Jowables.”

Ilan sa mga inaalok na pagkain ni Osang online na siya nga ang may luto ay wagyu, pochero, kaldereta, native chicken binakol at marami pang iba. Tinutu-

lungan din niya ang daughter na si Grace Adriano na may-ari ng Cucuy’s Steaks and Bones at maraming kapwa niya artista ang bumili tulad ni Jay Manalo.

Biniro nga namin si Osang nang amin siyang maka-chat na baka next year ay magtayo na siya ng sarili niyang resto gayondin si Grace. Sa 2nd of July raw naka-sked ang alis nila patungong Subic at kahit 8 to 10 shooting days lang sila e, kailangan nilang mag-stay sa Subic ng 14 days at naka-lock in silang lahat ng cast ng

nasabing movie kasama ang buong production na bilang na rin.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …