HINDI naging sagwil o problema kay Rita Avila ang pagkakaroon ng lockdown dahil nakagawa siya ng tatlong kuwentong pambata na nai- post sa social media.
Librong pambata ang ginagawa ni Rita at marami na ang nai-publish dito.
May mga alaga rin siyang aso at pusa na inaalagaan niya sa bahay. Pareho sila ng kanyang asawang si Direk FM Reyes sa pag-aalaga ng aso at pusa.
Minsan nga may madaanan lang siyang pusa sa kalye, kinukuha na niya iyon at iniuuwi sa bahay para alagaan.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com