Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagsuyo ni Ka Tunying sa love of his life, ‘di natatapos

ETO ring si Ka Tunying (Anthony Taberna) para sa love of his life. Akala mo makata.

 

“Mula noon hanggang ngayon, nililigawan pa rin kita! Ayooown ️ 

 

“Hindi ba ganun naman dapat? Dapat ay laging sinusuyo ay iyong minamahal. Para di mo malimutan, babalikan ko lang ang nakaraan️ —-

 

“Naalala ko pa, pagkatapos mong sumagala sa Calamba( float parade)  dahil birthday ni Gat Jose Rizal… tumawag tayo kay Daddy Lando na noon ay nasa Malaysia at nagpaalam ako na baka puwedeng maligawan ko na ang anak niya. 

 

“Nung pumayag, pagkababa ng telepono ay niligawan kita agad at sinagot mo naman ako pagkalipas lang ng ilang minuto ️ 

 

“Mabuti naman at hindi ka na nagpakipot dahil bago iyon ay mahigit anim na buwan naman na tayong magkaibigan/magkakilala  … 

 

“14years ago na pala iyon, Beb. 14 years na kitang kasintahan, ayooown! At mula noon, walang araw na di tayo magkasama personal man o kahit sa pamamagitan ng teknolohiya. ( call, txt, viber at kung anu-ano pa). 

 

“Ikaw ang buhay ko eh. Suwerte ko talaga dahil binigyan ako ng Ama ng isang maganda, mabait, maunawain, masipag, maalalahanin at higit sa lahat ay mananampalatayang girlfriend at katuwang habambuhay. Happy bf-gf Anniversary Beb. Alabyu ️”

 

#TabernaCouple #partners #kasintahan #dyowa #kapuso #kapamuso #kapamilya #14thJOWAsary @rosseltaberna

 

In the end, LOVE and TRUTH will prevail. Sa panahong ito mas nakikita ang kabuluhan ng pagtibok ng ating nga puso. Para sa minamahal. At nagmamahal.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …