Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hahanapin Kita — banta ni Sharon sa nagsabing rereypin si Frankie

SUMAMBULAT na ang poot sa dibdib ni Sharon Cuneta sa dalawang taong dating may koneksiyon sa kanya at sa isang netizen na nagsabi sa social media na rereypin ang anak na si Frankie.

Mahaba ang litanya ni Shawie sa Twitter na ibinuhos niya ang matagal nang kinikimkim sa galit sa dating  movie repor­ter.

Mas mabag­sik ang bu­welta niya sa netizen na nagban‑ tang gahasain si Frankie.

“Hahanapin kita. I will find you. You face me coward. You coward. Duwag.

“Tandaan mo kung sino ako. Nanay ni KC, Frankie, Miel at Miguel. You crossed the line,” deklara ni Sharon.

Naku, hindi ninyo kilala ang galit ni Sharon, huh!

Ibang usapan kapag reputasyon niya at mga anak ang binira. Sa loob ng mahigit apat na dekada eh, iningatan niya ang pangalan niya. Hindi siya papayag na dungisan at wasakin ang pinaghirapan niya.

At siyempre, pagdating sa mga anak, walang ina na papayag na bastusin ng sinuman ang mga ito!

Bihirang magalit si Sharon at once ginalit ninyo, magtago na kayo sa pinanggalingan ninyo!

I-FLEX
ni Jun Nardo

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …