Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Gutom ng OFWs sa Riyadh KSA minaliit ni Amb Adnan Alonto

HINDI natin maintindihan kung bakit mayroong naitatalagang opisyal ng gobyerno na napakaliit ng pagtingin sa mamamayang Filipino na nagpapasuweldo sa kanila at nagpapagaan ng napakaluho nilang buhay gaya ng mga kababayan natin overseas Filipino workers (OFWs) sa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia.

Gaya nitong si Philippine Ambassador to Saudi Arabia Adnan Alonto, na imbes imbestigahan ang viral video ng OFWs na namumulot sa basurahan ng kanilang makakain, aba, biglang sinabi na drama lang iyon?!

Wattafak!

“If reports reaching me are true, I’m disappointed with some of our people who have resorted to theatrics to catch attention. Fact is food assistance was given. Mamulot ng basura? (To pick garbage?) C’mon!” ‘yan ang tweet ni Alonto.

Hindi ba’t kairesponsablehan ‘yang pahayag na ‘yan ni Alonto?

Paano naman niya nasabing nagdadrama lang ‘yung mga kababayan natin?! Sinong gago ang magtitiis sa sobrang init ng araw sa Riyadh para mamulot ng makakain sa basurahan kung ‘drama’ lang ang nasabing video.

Isa pa, agad nagpahayag ng kanyang ‘puna’ si Alonto nang hindi man lang nag-iimbestiga?!

OMG!

Nasaan ang puso nitong si Alonto para ‘husgahan’ ang ating mga kababayan sa gitna ng pandemyang COVID-19?!

Nalilimutan yata ni Alonto na kabilang sa tungkulin at responsibilidad niya bilang ambassador na protektahan ang interes at kaligtasan ng mga kababayan nating Filipino.

Ambassador Alonto, hindi naman po bulag ang mga kababayan nating Filipino.

Alam po ng sambayanang Filipino na kayo ay namumuhay na parang hari riyan sa Riyadh sa pamamagitan ng taxpayers’ money lalo ng dollar remittances ng mga OFW na itinatatwa ninyo.

Bilang Ambassador, gagamit po ba kayo ng kakarag-karag na kotse sa Saudi? O sa isang pangakaraniwang flat lamang titira? For sure, sa mansion kayo nakatira riyan.

Hindi rin siguro kayo tiyak kakain sa maliliit na restaurant?!

Hindi ba’t kapag tapos na ang serbisyo ninyo, lahat ng gamit ninyo na gustong iuwi sa Filipinas ay ipadadala by cargo, at ang shipping fee ay mula sa taxpayers’ money?!

Ambassador Alonto, nabubuhay kayo ng marangya mula sa dugo’t pawis ng mamamayang Filipino lalo ng mga OFW.

Wala kayong karapatang husgahan sila. Ang dapat nga  ay sagipin ang nasabing mga Filipino na nakita sa nasabing video footages.

Sana’y hindi malimutan ni Ambassador Alonto na hindi siya naririyan sa Riyadh para pabayaan ang ating mga kababayan.

Dapat ay kalingain niya ang ating mga kababayan.

Paging DFA Secretary Teddy Boy Locsin!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *