Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Positivity in life hatid ni JC Garcia sa kanyang followers sa Facebook, Star Talk internet radio show nila ni Sansu Ramsey malapit nang mag-umpisa

Kung majority ng napapanood natin sa Youtube ay samot-saring problema sa buhay dala ng kahirapan

at pandemya, sa Facebook account ni JC Garcia ay positivity ang hatid nito lagi sa lahat ng kanyang followers.

 

Yes si JC, ang larawan ng isang artist na ayaw ng stress sa buhay at ang gusto niya ay masaya lang. At sa pamamagitan ng ipino-post niyang video sa pagkanta sa number one online Karaoke na Smule at sa Tik Tok ay napapasaya talaga ni JC ang mga supporters kaya madalas ay marami ang nagla-like at nagko-comment sa kanyang posted videos.

 

Ang maganda pa sa nasabing Pinoy recording artist, dancer at choreographer, maging friends niya sa San Francisco o saan mang parte ng Amerika ay isinasama niya sa paghataw niya sa Tik Tok. May aliw factor rin ang drama act ng singer na nasasabayan talaga niya ang boses. Naku, kung may award lang sa Tik Tok na best performer ay tiyak panalo na si JC na patok sa kanyang Senorita dance video.

 

Miss na pala ng Pinoy singer ang mag-perform sa sarili niyang concert, na always SRO ang audience. Inaantay na rin niya ang pagsisimula ng internet radio show na pagsasamahan nila ni Sansu Ramsey (daughter ni

Elizabeth Ramsey) sa Fil-Am Star na “Star Talk, News Music Play” ang titulo. Magkakaroon din ng solo show si JC, sa said internet network.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …