PORKE na-post sa FB ‘yung ginawang pamamahagi ng team ni Nora Aunor ng relief goods sa mga kababayang OFW na na-stranded sa NAIA ay sinundan agad ito ng balitang tatakbo raw senador si Nora sa 2022 national elections.
Pero agad naman itong pinabulaanan ni John Rendez sa kanyang Facebook at ayon sa singer, false alam na tatakbo sa election si Ate Guy. Matatandang pinasok na noon ni Ate Guy ang politika pero nabigo siyang manalo.
Tungkol naman sa pagkuha ni John ng video habang nagbabalot ng bigas at ilang grocery items ang kanilang kasambahay sa condo nila ni Nora sa Eastwood Libis, proud lang daw si John at kanyang ipinagmamalaki ang patuloy na ginagawang pagtulong ni Ate Guy pero pinagalitan raw siya nito.
Ayaw raw talaga kasi ng superstar na ipinag-iingay ang pag-share niya ng blessing sa kapwa. Dekada 70 pa lang ay likas ng generous si Ate Guy at may ilan siyang pinayaman sa panahon ng kanyang kasikatan.
Kung mayaman lang siya ay baka kinabog pa niya ang ipinamimigay na tone-toneladang bigas ni Francis Leo Marcos.
‘Yun na!
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma