Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pauleen Luna, naging PA ni Bossing Vic Sotto sa EB New Normal

Kahit wala munang live audience sa Eat Bulaga sa APT Studios ay masaya pa rin panoorin ang longest-running and number one noontime variety show.

Yes kering-kering dalhin nina Dabarkads Alden Richards at Maine Mendoza kasama ang JOWAPAO (Jose, Wally, and Paolo) at live via Zoom naman sina Bossing Vic Sotto at wifey Pauleen Luna na nagsilbing production assistant niya para sa new normal Bawal Judgemental.

Live na uli kasi ang Bawal Judgemental na ang guest nila ay si Abucay, Bataan Mayor Teri Onor na kilala rin bilang komedyante.

Ang galing ni Pauleen, siya ang tagasulat sa idiot board na binabasa ni Bossing. Ang mga bagong kasal sa panahon ng ECQ at GCQ at lahat sila ay inilagay sa shield na disinfected. Wagi ng P30K si Teri at 15K plus ng iba’t ibang gift pack ang chismosang kapitbahay na si John na kakampi ni Teri, live rin via zoom.

Malalaking cash prize ang ipinamimigay araw-araw ng Eat Bulaga sa kanilang selfie pakontes na today (Friday) ay tatlong dabarkads ang puwedeng manalo ng P10K each.

Araw-araw (mula Lunes hanggang Sabado), rin ang kanilang “Juan For All, All For Juan” na bukod sa sangkatutak na premyo ang ipinamimigay ay nagkakaloob pa ng bonus cash mula P25K hanggang P50K.

Lahat mula Luzon, Visayas, at Mindanao ay puwedeng sumali rito. Bisitahin ang Facebook Fan Page ng EB para malaman kung paano sumali sa “Juan For All, All For Juan!”

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …