Monday , December 23 2024

COVID-19 testing sa balik-trabaho, ‘di sapilitan — DILG

INILINAW ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa local governments units (LGUs) na ang COVID-19 testing sa mga personnel ay hindi mandatory o kailangan bago payagang makapasok ang kanilang mga empleyado sa trabaho.

 

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang mga empleyado na hindi sumailalim sa COVID-19  testing ay maaaring pabalikin sa trabaho dahil ang Inter-Agency Task Force (IATF), DILG, at ibang ahensiya gaya ng  Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI), ay walang ipinalabas na panuntunan sa LGUs na kailangan ng COVID-19 test bago pabalikin sa trabaho ang mga empleyado.

 

“Ang COVID-19 test ay hindi mandatory para makabalik sa trabaho. Wala pong ganyang kautusan na nanggaling sa pamahalaan at maging sa DILG, DOLE, at DTI. Nais naming simulan ang ekonomiya at makapagsimula muli ang mga empleyado upang maitaguyod ang kanilang mga pamilya,” ani Año.

 

Aniya,  maaaring isailalim ng mga kompanya ang kanilang mga empleyado sa rapid anti-body tests ngunit ang gastusin nito ay dapat akuin ng employer  at hindi ng mga empleyado.

 

“Wala po tayong ipinag-uutos na ganyan, inilinaw na ‘yan ng DOLE at DTI. Kaya sa mga LGU na nag-isyu ng executive order na inire-require sa mga kompanya o opisina na dapat sumailalim sa test, hindi dapat ganoon, wala tayong ganoong ipinag-uutos,” giit ng kalihim.

 

Payo ni Año, imbes mandatory testing sa mga nagbabalik na empleyado, screening o diagnostic test ang isagawa ng kompanya maging ang mga ahensiya ng gobyerno at LGUs.

 

Sinabi ng kalihim, ang testing ay hindi praktikal sa employers dahil sa limitadong test kits sa ngayon.

 

Dagdag niya, ang test ay kailangan sa mga indibiduwal na may travel history sa mga bansang may mga kaso ng coronavirus, may sintomas ng COVID o may exposure sa confirmed positive case.

 

Hinikayat ng kalihim ang mga kompanya na pasagutin sa disclosure form ang mga nagbabalik na empleyado kung saan nakasaad dito ang kanilang ginawa sa loob ng nakaraang 14 araw at siguraduhin ang pagsagot nang tapat ng mga personnel dahil ito ang unang paraan para mapigilan ang hawaan sa trabaho.

 

“‘Yung mga bumabalik na empleyado ay kailangang mag-fill-out ng disclosure form para sa nakalipas na 14 araw, kung saan sila nanggaling, mayroon ba silang nakausap na kamag-anak na nag-positive, gaano sila kalapit sa isang kapitbahay na nag-positive para mailagay sila sa PUMs,” paliwanag ng kalihim.

 

Hinikayat ni Año ang mga kompanya, LGUs, at mga empleyado na ipraktis ang minimum health standards upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus sa lugar ng trabaho.

 

“Ang panlaban natin diyan ay ‘yung minimum health standards na dapat magsuot ng face mask, practice physical distancing na dalawang metro ang layo at saka dapat sa mga pinagtratrabuan natin ay may mga engineering barriers para hindi magkakalapit ang mga manggagawa,” dagdag ng DILG chief. (ALMAR DANGUILAN)

 

About Almar Danguilan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *