Thursday , December 26 2024

Sekretong ospital para sa mga Tsino? 

SAGAD-SAGARAN na nga yata ang pananamantala ng mga dayuhan sa ipinakikita nating kabaitan at kaluwagan.

 

Ito ay kung totoo ang balita na may sekretong ospital silang pinatatakbo na exclusive para lamang sa mga Tsino na nadale ng COVID-19.

 

Ang ospital ay matatagpuan umano sa naka-lockdown na Golden Pavilion ng Fontana Leisure Parks sa Clark Freeport Zone. Naiulat na may kabuuang 490 Chinese nationals na nakatira at nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) ng Fontana ang na-test sa COVID-19 noong Huwebes.

 

Ayon sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Group-Central Luzon Region 3 (CIDG-Region 3), nagsagawa ng reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) sa mga manggagawa at umuupang Tsino sa Fontana resort na may sukat na 300 ektarya.

 

Ang nagsagawa ng testing ay personnel mula Philippine Coast Guard na nakasuot ng personal protective equipment (PPE) upang maprotektahan ang mga sarili.

 

Ang mass testing ay resulta ng pagkakatuklas ng health facility at botika na hindi pala rehistrado sa loob ng isa sa mga villa ng resort.

 

Ang pagkakatuklas sa ospital ay patunay rin na hindi natatakot ang mga Tsino sa gobyerno dahil ang Fontana ay nasasakop ng Clark Development Corporation na pag-aari ng gobyerno.

 

Paano naman ang lagay ng 70 Filipino na nagtatrabaho rin sa Fontana? Walang balita kung sila ay mate-test para sa COVID-19. Paano kung may nakasalamuha sila na may virus pala?

 

*              *              *

 

Kung noong Martes ay lihim o ilegal na ospital, kinabukasan ay warehouse naman na may sankaterbang gamot na Chinese ang ni-raid sa Clark, Pampanga.

 

Dito raw kumukuha ng supply ng gamot ang underground hospital para umano sa mga pasyenteng Chinese na may COVID-19. Pinatutulong na ng Department of Justice (DOJ) ang Bureau of Quarantine sa paghahanap sa mga pasyente.

 

Noong nakaraang buwan naman, ipinasara ng Parañaque City government ang natuklasang ilegal na medical clinic sa Barangay Baclaran kung saan nasamsam ng mga awtoridad ang 470 kahon ng Chinese na gamot para sa COVID at HIV na nagkakahalaga ng P30 milyon.

 

Malamang ay mga POGO workers ang parokyano ng ilegal na ospital. Paano pagtitiwalaan ang mga nag-o-operate ng POGO kung kahit isa sa kanila ay walang nakababayad ng buwis sa BIR? Dapat patunayan ng POGO operators na nakabayad sila ng taxes tulad ng franchise tax, withholding tax at iba pa bago sila  payagang magbukas at magpatuloy.

 

Paano tayo makatitiyak na walang nahawahan sa kanila kung sa sekretong ospital sila nagpapatingin?

 

At dahil sekretong ospital na ito, tama bang sabihin na ang mga na-test sa kanila ay hindi kasama sa talaan ng DOH para sa mga sinuri sa COVID-19? Niresetahan sila at pinabalik sa mga tirahan kaya hindi namo-monitor ng gobyerno kung nagkakalat na pala sila ng sakit.

 

Napakatuso talaga.

 

*              *              *

 

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE
ni Robert Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *