Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rosanna Roces at Alma Moreno, mga reyna ng sexy movies, magsasama sa isang comedy sexy movie under Viva Films

HABANG may issue pa sa prankisa ng kanyang mother network na ABS-CBN, buo ang suporta ng aktres na si Rosanna Roces sa kanilang #LabanKapamilya.

Pero pagkatapos ng modified enhance community quarantine (MECQ), ang paggawa na muna ng pelikula ang pagkakaabalahan ni Rosanna Roces na nag-celebrate ng kanyang kaarawan last May 25 kasama ang longtime partner at handler na si Boy George (Blessy Arias).

Bale sunod-sunod ang movie projects ni Osang at mauuna niyang gawin ang pagsasamahan nilang comedy movie ni Alma Moreno na may tentative title na “The Next Philippine Pornstar” sa Viva Films na

pagbibidahan ng bagong tuklas na sexy star ng Viva at ididirek ito ni Darryl Yap, director din ng blockbuster movie ni Kim Molina na Jowable.

Parte rin ng cast sina Katya Santos at Maui Taylor. Bonggacious ang proyektong ito ni Osang na sa unang pagkakataon ay magkakasama sila ng Bold Queen noong 80s na si Alma Moreno.

Ayon kay Osang ang magiging role raw nila ni Alma sa movie ay sila ang magtuturo o magte-train sa sexy star na ilulunsad sa pelikulang hubaran. At pareho nila itong expertise ni Ness, lalo’t naging reyna sila ng sexy movies noon.

And take note dahil dapat sumunod sa guidelines ng FDCP, sa shooting nila sa Subic ay lockdown sila ng

14 days ng kanyang mga co-stars at si Boy George lang daw ang puwedeng isama ng kaibigan naming actress.

Bawal raw magbitbit ng make-up artist o PA sa set. May isa pa raw siyang gagawin sa Viva at ‘yung isang project niya ay nakatakda namang idirek ng kaibigan niyang si Adolf Alix, Jr.

May isa pang nakabinbin na pelikula si Osang na Panti Sisters 2, at waiting pa siya kung kailan

ang resume ng shooting nila at kung tuloy pa raw ba ito o hindi na?

Very thankful si Rosanna at mabait sa kanya ang Diyos, na hindi siya pinababayaan since mag-comeback siya sa showbiz.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …