Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Protocol, proper coordination, iginiit ni Richard

BALEWALA rin ang ipinaglaban noon ni Mayor Richard Gomez. Proper coordination ng mga magbabalik na OFWs. Lumabas kasi na iyang mga LGU ay wala namang karapatang gumawa ng sarili nilang protocols kaugnay ng quarantine at Covid-19. Ang sinasabi ngayon ni Presidente Digong, national government lang ang may ganoong kapangyarihan at walang karapatan ang mga LGU na tumanggi sa sino mang ipadala sa kanila, “dahil lahat iyan Filipino.”

Ang punto lang ni Mayor Goma, ganoon din naman pala at papapasukin din ang mga ipadadala nilang tatlong eroplano na OFWs, kahit na ang mga iyon ay walang kaukulang Covid-19 test clearance, bakit pa nga ba naman sila nag-lockdown?

Ang pakiramdam namin, dumarating na roon sa panahon na lumalabas na ang palpak sa sistema, at iyan ay kailangan din naman nilang pagtakpan. Kaya may mga protocol na ring hindi sinusunod sa ngayon.

Hindi natin masasabing tama si Mayor Goma, bagama’t kung iisipin ay tama siya talaga. Kasi iyong national government ang magtatakda ng protocol, at kung ganoon nga ang protocol na itinakda nila, tama man o mali, ang siyang masusunod. Iyong sisihan kung ano ang mangyayari later on, darating pa iyan sa tamang panahon. Sa ngayon hindi mo masasabing mali iyan.

Parang pangaral din iyan ni Lola Nidora sa AlDub“lahat sa takdang panahon.” Sumikat sila nang todo hindi ba, pero dumating ang takdang panahon na nakita ring mali ang diskarte, at sa takdang panahon ay bumaba ang kanilang popularidad. Ganyan talaga, kailangang hintayin ang takdang panahon.

Kaya sa ngayon, wala na tayong magagawa kundi sumunod na lang sa agos. Kami rin, hindi na namin alam kung ECQ o GCQ o kung ano mang Q kami, na nasabi nga ni Ali Sotto, “napakaraming Q na hindi na maintindihan ng mga tao.” Kami ang alam namin ESQ kami. Walang SAP. Walang ayuda. Walang tiyak na trabaho at walang-wala.

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …