Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Allan K. imposibleng maghirap, magbenta man ng bahay at lupa

GINAWANG big issue ang pagbenta ni Allan K ng kanyang bahay at lupa sa isang village sa Quezon City. Naghihirap na raw siya, huh!

Of course, lahat tayo ay apektado ng Covid-19, mayaman man o mahirap. Hindi exempted diyan si Allan K.

Eh bilang nakakakilala sa kanya, laki sa hirap si Allan. Naging masuwerte nang mapasok sa showbiz at naging negosyante.

Nang magkaroon ng unang sariling bahay sa Las Pinas, pinaganda niya ito at ibinenta rin. Nakabili rin siya ng condo ulit at nang maayos, naibenta rin niya iyon.

Hanggang dumating ang pagkakataong nagkapera at binili ang isang malaking lote na may bahay. Inayos, pinaganda, at naging dream house.

Malaki ‘yon at nakasama niya roon ang ilang kapatid at pamangkin. Nang masalin sa kanyang pangalan ang titulo, ipinagbili na niya.

Lumipat siya sa mas maliit na bahay. Natiyempo ang lockdown. Pansamantalang nagsara ang comedy bars niya. Walang katiyakan kung kailan uli magbubukas.

Yes, wala munang Eat Bulaga. Apektado ang negosyo. Pero hindi ibig sabihin eh wala na siyang pera, huh!

Natikman na ni Allan ang masaganang buhay. Wala namang masama kung balikan niya ang simpleng buhay, huh!

Pero ang pinakamalungkot sa nangyari sa buhay niya ay ang pagpanaw ng bunso niyang kapatid na lalaki nitong lockdown.

Mautak si Allan at alam niyang mahirap ang buhay ng isang mahirap. Hindi ‘yan maghihirap, itaga niyo sa bato!

Mortal sin bang magbenta ng sarili mong lupa at bahay?

 

 

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …