Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Politiko, walastik tuwing eleksiyon, sa pandemic ay no action

HINDI tayo natutuwang nanalasa ang pandemyang coronavirus (COVID-19) para matuklasan natin ang

nakapanlulumong katotohanan at patunay na mas marami ang mga politikong eksperto sa pambobola kaysa mga totoong nagsaserbisyo sa publiko.

Pansinin po ninyo, kapag eleksiyon, bumabaha ang kuwarta. Grabe ang vote-buying mula sa simpleng pamamahagi ng sandamakmak na giveaways  hanggang  sa abutan ng cash sa bisperas hanggang araw mismo ng botohan.

Magkano nga? P1,000, P2,000, P5,000 hanggang P10,000. Ganyan kagalante ang mga politiko kapag eleksiyon.

Ang ngiti at kaway nila’y lima-singko. Dadaigin pa ang sundo’t kulangot sa tamis, puwedeng ipalaman sa tinapay at pangkape.

Ganyan mailalarawan ang sobrang sweetness ng mga politiko kapag eleksiyon.

Ang kanilang pakikipagdaupang-palad, napakainit! Hindi nila bibitiwan ang inyong mga kamay hangga’t hindi nakukuha ang matamis na “oo” para sa eleksiyon.

Hindi lang nila sasadyain sa tahanan ang mga target na botante, kundi tatawag-tawagan pa.

‘Yung mga nasa Metro Manila na boboto sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao, ipinakakaon pa sa service o kaya’t binibigyan ng pasahe para sa special  trip.

Laging may pabaon at paabot. Kapag natapat na pagsasara ng klase’y umuulan at bumabaha ng mga tansong medalya na mas malaki pa sa pangalan ng tatanggap ang mga mukha nila.

Doble-doble ang scholarship, may galing kay mayor, konsi at vice mayor. Hahabol pa sina governor at bise gobernador — ‘yun lang, hahanapin na sa susunod na taon.

Ganyan sila kagalante…

Ibang klase!

Heto ngayon ang pandemic… aba, Marso pa nang mag-lockdown — katapusan na ng Abril nagsilutangan?!

Walang bumunot antemano bago magpahayag ng ayuda ang pambansang pamahalaan.

Baka kung hindi naglabas ng pondo ang national government para sa SAP, CAMP, SBWS at iba pa, e hindi na natin nakita ‘yang mga politikong ‘yan.

Malamang nagsipag-hibernate  sa ‘quarantine facility.’

Hak hak hak!

Hindi ba’t nakapagtataka talaga? Hindi man lang ba sila makabunot mula sa sariling bulsa?

Kailangan muna nilang manglimos sa kanilang mga ‘baka,’ sa mga private sector/organizations, bago tumulong sa kanilang constituents?!

Tsk tsk tsk…

Kung magtatagumpay ang sangkatauhan laban sa pandemyang ito, kasunod ang eleksiyon sa 2022 (kung mayroon pa) magkaroon pa kaya ng lakas ng loob na ‘lumutang’ ang mga politikong galante at walastik tuwing eleksiyon pero sa kalamidad at pandemya ay no action?!

Makangiti pa kaya sila ng sintamis ng sundo’t kulangot?!

Abangan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *