Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
coco martin ang probinsyano

Mga ‘Probinsyano’ fanatic nagbabasag na ng TV nang mawala ang ABS-CBN sa ere (Sobrang miss na miss na si Cardo Dalisay)

UNTI-UNTI nang nananahimik ang bashers ni Coco Martin, siguro ay naisip nilang wala namang ginagawang masama sa kanila ang Kapamilya actor at naglabas lang naman ng kanyang hinaing at

‘di naman sila ang kalaban nito.

 

Kahit nga si Banat Yabang ay hindi na makaporma at napanood na rin siguro niya ang ilang fanatic ni Coco sa pinagbibidahan nitong “FPJ’s Ang Probinsyano”  na dahil sa pagsasara ng ABS-CBN ay walang kuwenta na rin sa kanila ang kanilang mga TV set kaya’t pinagbabasag nila at ‘yung iba naman ay itinatapon sa dagat.

 

Wala na raw ang halaga sa kanila ang kanilang TV dahil hindi na nila mapapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano. Pero marami ang nabuhayan at ngayong June ay mukhang babalik na sa ere ang ABS-CBN na minamahal na network ng mga kababayan natin mula Luzon, Visayas, at Mindanao.

 

Samantala sanib-puwersa pala ang lahat ng mga kasamahan ni Cardo sa kanyang number one action-drama series sa buong bansa sa pagtatanggol sa kanya sa mga makikitid na utak na bashers nito at trolls.

 

At lahat ay nagsasabi kung gaano kabait, matulungin at mahusay makisama si Cardo Dalisay na kahit na nasa ‘tuktok na ng bituin’ ay hindi pinagbago ng panahon.

Ngayong September ay going to 5 years na ang FPJ’s Ang Probinsyano.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …