Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lovi on pandemic anxiety

USAP-USAPAN ngayon ang isyu ng mental health sa gitna ng krisis pangkalusugan na kinahaharap ng buong mundo. Magmula nang pumutok ang Covid-19 pandemic, marami na ang nagbago sa mundong ating ginagalawan kaya hindi rin kataka-taka na maraming tao ngayon ang nakararamdam ng stress, anxiety, at maging depression.

Mas dumarami ring celebrities na nagbabahagi ng kani-kanilang pangamba at coping mechanisms habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine.

Nagbigay ng personal advice ang Kapuso actress and Owe My Love star na si Lovi Poe kung paano malalabanan ang pandemic anxiety.

Aniya, kailangang simulan ang umaga na positibo sa pamamagitan ng pag-e-exercise, pagdarasal, o meditation. Malaking tulong ang masayang tugtugin para pasiglahin ang sarili.

Dagdag pa ni Lovi, importante rin na panatilihing busy ang sarili para maiwasang makapag-isip ng kung ano-ano. “The moment siguro may nararamdaman kang certain stress ulit, pick up a book and start reading, cook, bake.”

Pinakahuli, gamitin ang panahonng ito upang pagtibayin ang relasyon sa ating mga mahal sa buhay lalo pa at higit na kailangan natin ng emotional support.

Abangan ang pagbibidahang romance-comedy series ni Lovi kasama ang Kapuso hunk actor na si Benjamin Alves na Owe My Love sa GMA-7.

 

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …